Chapter 22

5.7K 294 25
                                        

AN: Jusme, isang bala na lang yung natitira sa sa akin. Di kasi ako makapagsulat dahil sa lagnat, ubo, at sipon eh. Nakakaiyak. Pero susubukan ko pa rin para magtuluy-tuloy yung update dito.

Enjoy girls! Mwah!

==============================

PINING'S POV:

"So-"

"Gusto mong--" okay awkward. Kanina sobrang tahimik namin. Tapos nung naisipan kong magsalita, nakisabay pa sya. Nakakaloka. Jusko, bakit kasi bigla-bigla yung desisyon ko na ako na lang yung sasabay sa kanya eh. Sana pala, pumayag na lang ako na silang dalawa ni Charlie yung magkasabay. Eh di sana, hindi ganito kabilis yung tibok ng puso ko. Tsk.

"S-sige, ikaw na. Ano yung gusto mong sabihin?" saglit syang sumulyap sa akin bago itinuon ulit yung mata sa daan.

Ngumiti naman ako sa kanya. Naisip ko kasing mas maganda kung masisimulan ko ma kung ano man yung pinaplano ko diba?

"Wala naman. I just want to ask you sana if kamusta ka na. Last week pa ako umuwi pero hindi pa tayo masyadong nagkakamustahan at nagkakausap ng matino." ngiti ko pa sa kanya. Ang galing-galing ko na talagang umarte. Talong-talo ko talaga si Maybelle.

Parang nabigla naman sya sa sinabi ko dahil bigla syang napalingon sa akin pero ngumiti din naman agad.

"I'm okay. Actually, hindi lang okay. I'm happy." nakangiting sagot pa nya habang nakatingin na sa daan kaya hindi nya napansin yung pagsimangot ko. Oo nga pala, masaya sya dahil kay Coco nya. Eh di wow.

"Good." yun lang yung nasabi ko dahil baka traydurin pa ako ng emosyon ko at kung ano pa yung masabi ko.

Sana pala nanahimik na lang ako at hindi na nagsalita.

"How about you?" tanong naman nya sa akin.

"I'm good. And tulad mo, masaya din ako." nga ba? Masaya nga ba ako? Well, yun yung gusto kong patunayan kay Charity.

"Mabuti naman. Akala ko kasi,-" nakita kong natigilan sya bago nagsalita ulit. "Nevermind. Pero I'm happy na masaya ka na." nakangiting sabi pa nya.

"Hindi na rin kasi ako nabubully eh. Alam mo na, iba na rin kasi yung itsura ko eh." sabi ko pa.

At ayun na naman yung lungkot nya sa mga mata nya. Halatang pilit din yung mga ngiti nya nung lumingon sya sa akin.

"Yeah. And the way you speak, iba na rin sya. Hindi na tulad nung dati na--"

"Kailangan pa ng subtitle?" natawa din ako sa sinabi kong yon. Yun naman kasi yung laging sinasabi noon ni Klarisse diba?

"Bukod don. Yung dating JP kasi, sweet, masayahin, at umaabot sa mata yung mga ngiti nya kapag nagkukuwento sya. Tapos kapag---

At bago pa nya matapos yung sasabihin nya, sumingit na ako.

"That person is dead. At hindi na sya babalik." medyo may diin yung pagkakasabi ko. Paulit-ulit na kasi yung usapan na 'to. Bakit ba kasi pilit nilang inaalala si Pining. Sinasabi ko naman sa kanila lagi na patay na yon at hindi na babalik kahit kelan. Wag na silang umasa.

I heard her sigh bago sya nagsalita ulit.

"Sabi mo nga." yun lang at bumalik na naman yung tingin nya sa daan.

"Kamusta na pala lovelife mo? Napanood namin yung interview mo nung isang beses ha. Kitang-kita namin yung happiness mo don." sana lang talaga hindi nya napansin yung bitterness sa boses ko. Ang unfair kasi. Ang unfair ng life. Kung sino pa yung nanakit, sya pa yung masaya. Samantalang ako, eto, nagpapakabitter.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon