PINING'S POV:
"Alam mo, yung kapatid mo, mukhang tanga." wow. At yun talaga yung maririnig ko after ko maalimpungatan eh no? At ako pa talaga yung pinag-uusapan nila.
"At bakit, Ms. Lopez?" si Charlie.
"Duh! Hindi mo alam kung gusto talagang mapalapit talaga kay Charity para dun sa plano nya or gusto lang talaga nyang isumbat dun sa isa lahat ng sakit na naramdaman nya noon." sagot naman ni Klarisse.
Ugh! Bakit ba sila nandito sa kwarto ko? Bakit hindi na lang sila sa labas mag-usap?
Oh, andito nga pala kami kila Clarence at magkasama kami ni Charlie sa kwarto.
"Well, you can't blame her. Syempre dahil nadadala sya ng emosyon nya." sabi pa ni Charlie.
Eh kung bumangon kaya ako dito at pagbabatuhin silang dalawa ng unan? Makapag-usap kasi eh. Parang wala ako sa loob nitong kwarto ah.
"Yeah. And clearly, in love pa rin talaga sya kay pipino. Hindi kasi masyadong subtle yung kapatid mo." natatawang sabi pa ni Klarisse.
Of course not! Hindi na no! Hinding-hindi na. Wag nga nilang ipilit yon.
"Pero hangga't nasa isip nya yung paghihiganti na ikaw mismo yung nagsuggest, eh malamang, hindi nya aaminin yon. Kilala ko yon. Kung noon, sobrang baba ng pride nya, after nung nangyari sa kanila, aba'y umakyat ng bongga sa ikahuling baitang ng hagdaan sa taas." sabi pa ni Charlie.
"Hagdanan. Or hagdan. Jusko Charlize, wag ka na lang magtagalog ng bongga kung mali-mali din naman." at kung tama yung pagkakaimagine ko, umiiling-iling ngayon si Klarisse sa kapatid ko.
"Oo na. Mali na kung mali. Sorry naman. O sya, lumabas ka na at baka kung ano pa yung isipin ng asawa mo na ginagawa natin dito." pagtataboy ni Charlie kay Klarisse.
Naiiling na ipinikit ko na lang ulit yung mga mata ko. Bahala nga sila dyan, inaantok na ako. Naparami yung nainom ko kanina dahil sa stress ko sa lecheng feelings ko.
"Asa? Hindi iisipin ni Justine yon. Alam nyang masyado akong mabait." sabi pa ni Klarisse.
"Yeah, whatever. Chupi na! Tutulog na rin ako."
Ngunit bago pa ako tuluyang makatulog, narinig ko pa yung huling pag-uusap nila pero wala na akong lakas para magmulat at magtanong pa.
"Kung ako sa'yo, sasabihin ko na sa kanya yung totoo. Mas maganda yon, Charlie. Mas makakabuti kung malalaman nya. And, she deserves to know the truth." seryosong sabi ni Klarisse.
"It's not my story to tell. I'm just waiting for that person na sya mismo yung magsabi sa kapatid ko." yun lang at tuluyan na akong nilamon ng lagim, charot! Ng antok. At hindi ko alam kung matatandaan ko pa yung narinig ko na yon dahil sobrang lutang talaga ako.
***
"Good Morning sa inyo! Tayo ay umawit upang maging maganda yung ating umagaaaaaaaa!" inis na isiniksik ko yung unan sa may bandang tenga ko nang marinig ko yon.
Ganito talaga kaaga, nambubulabog si Maybelle.
"PARROT, KAPAG HINDI KA NANAHIMIK, AKO YUNG MAGPAPATAHIMIK SA'YO NG TULUYAN!" ayan, eh di nasigawan sya ng pinsan nya. Kasi naman, 6am talaga, gumaganyan na sya? Aba, halos 2am kami nakatulog dahil sa party nila diba?
