Chapter 32

5.6K 296 38
                                        

AN: Hello, Charlie. ❤️

Yay! Malapit na 'tong matapos. Story na ni Charlie yung next kong gagawin and oh, isasabay ko sya sa story ni Yana.

And yes, I think, nandito na si Yana sa chapter na 'to. ❤️

========================================

PINING'S POV:

"Y-you knew. You f*cking knew." sumbat ko kay Charlie matapos kong marinig yung kwento ni Charity kay Klarisse. At tulad ni Charity, hinang-hina din ako matapos kong marinig lahat yon.

"Yes." wow, at yun lang yung sagot nya. Hindi man lang ba sya magpapaliwanag?

"All this time, akala ko niloko lang ako ni Charity. Akala ko pinaglaruan nya lang ako. Pero hindi pala. At ikaw, matagal mo na palang alam pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Bakit Charlie? Bakit? Bakit mo hinayaan na mamuhi ako sa kanya?!" hindi ako makapaniwala.

Kanina, habang nakikinig ako, ramdam na ramdam ko yung sakit at paghihirap ni Charity. Kung ako, may Charlie at Klarisse nung time na lugmok na lugmok ako, sya, mag-isa lang. Walang ibang dumamay sa kanya. Sinarili nya yung sakit na nararamdaman nya.

"It's not my story to tell. At sinabi nya sa akin na wag na wag ko daw sasabihin sa'yo dahil ang gusto nya, tuparin ni Mama yung sinabi nyang mamahalin ka nya tulad daw ng pangarap mo." mahinahon na sagot pa rin nya.

"Pero hinayaan nyo akong magalit sa kanya." sumbat ko pa.

"Tulad ng napag-usapan nila ni Mama." kalmado pa rin sya.

"At hinayaan mong gawin sa akin yon ni Mama?" tanong ko habang tuloy-tuloy pa rin yung pagbagsak ng mga luha ko.

"Oo." seryosong sagot nya sabay tingin ng derecho sa akin. "Alam mo kung bakit? Kasi nakita ko kung gaano ka kasaya nung time na inaasikaso ka ni Mama nung nasa states na tayo. Narinig ko pa one time na nagdasal ka at nagpasalamat pa sa Diyos dahil sa nangyari. So sino ako para ipagkait sa'yo yon? Mas ginusto mo ba na sinabi ko yon sa'yo nung time na yon para na-doble yung sakit na naramdaman mo?" biglang nag-soften yung tingin nya at way ng pagsasalita nya. "Ang tagal ko ding hinintay na makita yon. Yung maging masaya tayong tatlo nila Mama. Lalo na ikaw." sabi pa nya sabay pahid sa mga luha ko. "Kung ako ikaw, hindi mo ba gagawin yung ginawa ko?" tanong pa nya kaya natigilan ako.

"I--I." yeah. Kung si Charlie yon at makikita kong masaya sya sa nangyayari sa kanila ni Mama, malamang yon din yung gagawin ko.

"Kaya sana maintindihan mo kung bakit ko ginawa yon." mahinang sabi pa nya.

"Pero dahil don, nawala yung dating Pining." medyo kumalma na yung boses ko. Naiintindihan ko kasi kung bakit ginawa ni Charlie yon.

Umiling naman sya sa akin.

"Hindi sya nawala. Nandyan pa rin sya. Pinipigilan mo lang lumabas pero unti-unti na namin syang nakikita. Sa tingin mo ba, bakit ka namin pinagmadaling umuwi ni Klarisse? Dahil alam namin na eto yung panahon para malaman mo lahat." sabi pa nya sa akin.

"So kaya ganun na lang yung pagtitiwala mo sa kanya? Kung bakit kahit alam mong nasaktan nya ako, gumawa ka pa rin ng paraan na magkalapit ulit kami. Tama ba?" tumango naman sya sa akin.

"Alam ko na kung noon namin sinabi sa'yo, mas lalo kang masasaktan and natatakot ako na baka kung ano yung gawin mo dahil don." paliwanag pa nya.

"Hinayaan nyo rin akong mag-isip kung papano gumanti sa kanya. At hinayaan nyo akong saktan sya. Kayong dalawa ni Klarisse!" ayan, uminit na naman yung ulo ko. Naalala ko kasi yung mga ginawa ko kay Charity. Mas dinagdagan ko pa yung guilt at sakit na nararamdaman nya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon