AN: Yay. Thank you DuskyMaiden sa bagong cover nitong story ni Pining. So there. I dedicate this chapter to you. Enjoy. :)
==============================
PINING'S POV:
"O sige na pipino, halikan mo na yang si Sleeping Beauty para magising na at makaalis na tayo." at ganun na lang yung pagmulat ko matapos kong marinig yon.
What the f*ck? Anong ginagawa nya sa kwarto ko? At bakit sya pinapasok nila Charlie at Klarisse?!
Agad akong bumangon at tumingin sa tabi ko. At ganun na lang yung paniningkit ng mga mata ko nang makarinig ako ng tawanan. Hay nako, napagkaisahan na naman ako!
Inis na bumalik na lang ako sa pagkakahiga at nagtalukbong.
Bakit ko nga ba inisip na pupuntahan ako ni Charity dito diba? Kahit kelan talaga, ang tanga-tanga ko!
"See? Sabi ko naman sa'yo, pipino, kapag narinig ni Pining Garcia yung pangalan mo, magigising agad yan." narinig ko pang sabi ni Klarisse.
Ewan ko sa inyo. Bahala kayo dyan, basta ako, matutulog dito. Ang aga-aga pa kaya. Ugh! Bakit kasi nag-extend pa si Mama ng ilang linggo dun sa Norte eh. Yan tuloy, andito pa rin kami kila Klarisse.
"At dahil natulog sya ulit, kailangan nya talaga ng mahiwagang halik mo, Charity." sabi pa ni Charlie.
Inis na bumangon na lang ulit ako. Malamang, hindi ako titigilan nyang dalawang yan.
"Will you two shut----" at ganun na lang yung panlalaki ng mga mata ko nang makita kong NANDITO talaga sa kwarto ko yung taong kanina pa nila binabanggit. At, at, at, nakaupo pa dito sa may kama ko ha. Teka, wala naman sya dito kanina diba? Saan sya nanggaling? At kamusta naman na nakangiti pa sya habang nakatingin sa akin.
Oh my paking tape! Ni hindi pa ako nag-aayos, at baka may panis na laway pa ako at muta.
Nagmamadali tuloy akong tumakbo papasok ng banyo. At wala akong pakelam kahit magkadapa-dapa ako basta maayos ko lang yung itsura ko. Ni hindi ko na lang din pinansin yung pagtawa na naman nila Klarisse at Charlie dahil sa naging reaksyon ko. Shet lang talaga. Bakit ba kailangang ganun yung pagkakatitig nya sa akin? At jusko, mukhang kanina pa sya don ah. Baka nakita nya kung papa'no ako matulog. Papa'no kung nakita nyang nakanganga ako, tapos tulo pa yung laway? Or baka naman naghihilik ako at nagsasalita ng kung anu-ano, emeged, nakakahiya talaga. Wag na lang kaya akong lumabas dito?
Hoy Joey! Baka nakakalimutan mo na ibang tao ka na. Hindi na ikaw yung dating Pining na masyadong mahiyain. Eh ano ngayon kung nalaman nya na ganun kang matulog? Bakit parang apektado ka? Diba dapat hindi na? Diba hindi mo na naman kailangang magpaimpress sa kanya tulad nung ginagawa mo noon? Niloko ka nya, remember? At ngayon, ikaw naman yung gagawa ng paraan para magantihan sya sa ginawa nya sa'yo. Kaya kung ako sa'yo, lalabas ako don at haharapin sya na para bang walang nangyari.
Huminga muna ako ng malalim, pinakalma yung puso ko, at tumingin sa salamin bago tuluyang lumabas sa kwarto. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang si Klarisse na lang yung nadatnan ko sa kwarto ko. Mabuti naman at umalis na yung babaeng yon.
"Ang epic ng reaksyon mo, Pining Garcia. Sayang hindi namin nai-video ni Akazukin Chacha." natatawa pa rin na sabi ni Klarisse paglabas na paglabas ko ng banyo.
Inis na binato ko naman sya ng unan.
"Funny, Klarisse. Sobrang funny." inis na sabi ko pa sa kanya. "And what was she doing inside the room? Sinong nagsabi na papasukin sya dito habang natutulog ako?"magkasunod na tanong ko sa kanya.
