PINING'S POV:
"So, you're saying na in love ka sa isang babae? Tama ba yung pagkakaintindi ko, Jops?" napakunot naman yung noo ko dahil sa reaksyon ng kapatid ko. Parang hindi man lang sya nagulat eh. Para bang natural na lang sa isang babae na mainlove sa kapwa nila babae.
"Hini ngo nga hyur ngung lam na nga. Ngaya nga ango nangnananong hayo eh." sagot ko sa tanong nya.
(Hindi ko nga sure kung love na nga. Kaya nga ako nagtatanong sa'yo eh.)
"Well, base sa mga sinabi mong nararamdaman mo kapag nakikita mo sya or lumalapit sya sa'yo, pwede nating sabihin na in love ka na talaga. Pero teka nga, eh diba ilang beses ka na rin nagka-boyfriend? Hindi mo ba naramdaman yan kay Mang Kario?" tanong pa nya.
Leche talaga 'to. Mang Kario talaga eh. Feeling ko tuloy, yung matandang magbobote yung tinutukoy nya don.
"Mangario! Hini Mang Ngario." pagtatama ko sa kanya.
(Makario! Hindi Mang Kario.)
"O see? pareho lang yung pagpronounce diba? So Mang Kario nga." tatawa-tawang sabi nya.
Sinamaan ko naman sya ng tingin at akmang i-e-end na yung video call pero natatawa pa rin na pinigilan nya yon.
"Fine. Fine. Makario na kung Makario. Pero hindi mo pa rin sinagot yung tanong ko, so uulitin ko na lang. Hindi mo ba naramdaman yung ganyang tibok ng puso nung kayong dalawa ni Mang- I mean, Makario?" pinalitan nya lang ulit yung sasabihin nya dapat nung nakita nyang masama na naman yung tingin ko sa kanya.
Actually, matagal ko na namang alam yung sagot sa tanong nya na yon kaya umiling ako sa kanya.
"Hini eh. Ngaya nga ango nalilino ngayon. Hini ngo nalanga ngens ngung mangen nganino yung nararamnaman ngo ngay Nyanini." sabi ko pa sabay sigh.
(Hindi eh. Kaya nga ako nalilito ngayon. Hindi ko talaga gets kung bakit ganito yung nararamdaman ko kay Charity.)
"Well, siguro nga, in love ka na sa kanya." sabi naman ni Charlie sabay kibit ng balikat.
At ayun na naman yung reaksyon nya na yon kaya hindi ko na napigilan na magtanong sa kanya.
"Ngarli, mangen marang nanural lang hayo na mamae yung nguho ngo? Nima naman nangulan nga o ngaya minahahan mo ango ng maymol merh nahil hini naman normal no?" takang tanong ko sa kanya.
(Charlie, bakit parang natural lang sa'yo na babae yung gusto ko? Diba dapat nagulat ka o kaya binasahan mo ako ng bible verse dahil hindi naman normal 'to?)
Bahagya naman syang natawa bago nagsalita.
"Well, bukod kasi na uso naman yan dito sa States kaya sanay na ako, yung first love ko, and yung taong gusto ko ngayon, parehong babae." parang bale-walang sabi pa nya na para bang normal na normal lang yung impormasyong sinabi nya.
Samantalang ako, eto, kung may ilalaki pa siguro 'tong mata at bibig ko dahil sa sobrang gulat sa sinabi nyang yon, baka nagmukha akong cartoon character.
"Nyarli? Heryoho nga? Mwera miro? O manga ngawa-ngawa mo lang yan ngahe nguho mo angong mangnriman?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
(Charlie? Seryoso ka? Pwera biro? O baka gawa-gawa mo lang yan kase gusto mo akong pagtripan?)
"Duh! Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako. Tingin mo ba, bakit ako agad napapayag ni Mama na dito sa states mag-aral noon?" sabi pa nya kaya lalong napakunot yung noo ko.
"Nahil nguho mo naman nalanga? Nyan mo naman nalanga nguho mang-aral? Mana ma lang nayo, mangaram mo na yon nima?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
