Chapter 2

9.5K 369 35
                                        


AN: Ayon, nakapagsulat din dahil bored ako dito. Haha. Tagal makahanap ng work eh. Ugh! Pero alam ko na next week, magiging busy na ako, hihi.

O sya, wala pang masyadong kilig dito ha. Wala pa naman kasi si Charity dito. Haha. Pero malapit na syang lumabas, hihi. Basta hintay lang kayo. Dasal lang talaga. Haha.

Namiss ko kayo. At namiss ko din magsulat. Tara, whatsapp? Hahaha. Or tara dito sa Dubai! Haha.

PS: Di ko inedit so kung may mali man, pagtyagaan nyo na lang. Sa phone lang kaya ako nagttype ngayon, Haha.

=============================

PINING'S POV:

"Pining, makinig ka sa'min! Narinig namin si Makario, pinaglalaruan ka lang nya, pinagpustahan ka lang nilang magbabarkada!" inis na sabi sa akin ni Maybelle pagkaupong-pagkaupo nya sa tabi ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. Ilang beses na rin kasi nilang sinabi yon sa'kin pero kapag tinatanong ko naman si bebelgum, tangging-tanggi naman sya and sinasabi nya sa akin na sa kanya ako magtiwala at wag sa mga kaibigan ko dahil naiinggit lang daw sila sa'kin. Ako daw ba naman kasi yung maging girlfriend ng pinakagwapong lalaki dito sa campus diba? At syempre, dahil labs na labs ko naman yung boyfriend ko, sa kanya ako naniniwala.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko, it's just that, hindi ko kasi maramdaman na niloloko lang ako ni bebelgum, ibang klase naman kasi syang mag-alaga.

"Nag-uubos ka lang ng laway dyan, Meng. Kelan ba naman nakinig yan sa'tin? Eh hello, kahit anong sabihin natin dyan, konting lambing lang ni Makario, gives na gives na agad yang si Pining no!" sabi naman ni Tasing.

"Eh kung ako rin naman yung papapiliin, sa muscles ako ni Makario maniniwala." parang kinikilig pang sabi ni Juling.

Agad naman itong binatukan ni Tasing. Ayan, buti nga. Pati boyfriend ko, pinagnanasahan eh.

"Eto nga't nahihirapan na kaming i-convince 'tong si Pining na niloloko sya ng magaling nyang jowa, nakikilandi ka pa dyan!" sabi pa nito kay Juling.

"Wala ka bang tiwala sa'min, Pining?" seryosong tanong sa akin ni Meng. Hindi na sya nakisali sa bangayan nung dalawang nasa harap namin.

Ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita.

"Meng, hini naman ha wala angong niwala ha inyo. Mero ngahe, moymren ngo hi Mangy ngaya naman mangniwala rin ango ha nganya. Marang ingaw, nima ngahin hamihan nga namin nungol ha moymren mo ngayon, hini nga rin maniniwala hamin nima? Mah mamaniwalaan mo yung hahamihin nya." nakangiti pa rin na sabi ko sa kanya.

(Meng, hindi naman sa wala akong tiwala sa inyo pero kase, boyfriend ko si Macky kaya dapat magtiwala rin ako sa kanya. Parang ikaw, diba kahit sabihan ka namin tungkol sa boyfriend mo ngayon, hindi ka rin maniniwala sa'min diba? Mas papaniwalaan mo yung sasabihin nya.)

"P-pero---"

"Mahal ngo hya. Mahal na mahal, Meng." sabi ko na lang bago pa sya magsabi ng kung ano.

Malungkot na ngumiti na lang sya sa'kin.

"Fine. Sabi mo nga, mahal mo sya kaya sige, hindi muna kami makikialam. Pero once na saktan ka nya, hindi mo na kami mapipigilan sa gagawin namin ha." sabi na lang nya.

Tumango naman ako sa kanya.

"Ah im naman ingaw yung may ngangawin ngay Mangy. Eh alam naman naning lahan na ihuhumong mo lang hya ha minhan mo." natatawang sabi ko.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon