PINING'S POV:
"So Klang, sino nga yung sinasabi mong kilala mo na nagplano din nung about sa paghihiganti sa ex nya? Hindi mo naman kasi sinagot ng maayos yon. Hindi mo rin sinabi kung naging successful ba yon." pangungulit ko sa kanya habang papunta kami sa office ni Direk. Ngayon na daw kasi nya kailangan yung sagot ko and if ever papayag nga daw ako, may kailangan daw akong pirmahan na kontrata.
Hindi sya nagsorry sa ginawa nya kagabi pero pinagluto naman nya ulit kami ng breakfast kanina at may smiley pa yung inabot nya sa aking pancake so, okay na kami ulit.
"Mamaya na, Pining Garcia. Wag kang atat. Mamaya, kapag nandun na tayo kila Clarence, kwento ko sa'yo. Pero sa ngayon, ang isipin mo muna ay ang nalalapit mong pagsikat." sagot naman nya sa akin.
Nakangiti kaming sinalubong ni Direk pero napasimangot sya nung makitang kasama namin ni Charlie si Klarisse.
"Bakit na naman kasama 'tong babaeng 'to?!" nakasimangot na tanong nito pagkatapos bumeso sa amin ni Charlie.
"Aba Direk, baka hindi mo alam, ako yung road manager nyang si Pining Garcia." proud na pagkakasabi naman ni Direk kay Klarisse.
"Road manager?" tanong nito sa aming dalawa ni Charlie.
Pinandilatan naman kami ni Klarisse kaya wala kaming nagawa kundi tumango na lang.
"Sure kayo? Baka pagsisihan nyo yan?" sabay naman kaming natawa ng kapatid ko dahil sa sinabing yon ni Direk. Grabe, hindi talaga maganda yung history nila no?
"Mawalang galang lang sa'yo Direk---"
"Wala ka naman talaga non." pambabara pa nito kay Klarisse kaya napasimangot yung isa.
"Direk, bakit hindi mo na lang ipakita yung kontrata at script kay Pining Garcia bago ka kumuda ng kung anu-ano dyan? Busy kami eh, may pupuntahan pa kami mamaya so pwede bang pakibilisan yung kailangang gawin?" sabi pa ni Klarisse habang naka-crossed arms na nakatingin kay Direk.
"Okay fine. Para makaalis ka na rin dahil baka kung ano pang mangyari sa set ko habang nandito ka." sabi pa ni Direk sabay abot sa amin nung documents.
At bago ko pa makuha, naunahan na ako ni Charlie na pinasadahan lang yung papel at pagkatapos ay iniabot sa akin.
"O pirmahan mo na." utos nya sa akin.
"Hindi ko man lang ba babasahin?" takang tanong ko sa kanya.
"Nabasa ko na. Go." sabi pa nya kaya suspicious akong tumingin sa kanya. "Don't you trust me, Jops?" sabay ngumiti ng inosente sa akin.
OO. Gusto ko sanang isagot sa kanya. Mula kasi nung umuwi kami dito, parang may mga ikinikilos sya na isinisikreto sa akin. Pero syempre, dahil kapatid ko naman sya, sigurado naman akong wala syang gagawin na ikapapahamak ko kaya pinirmahan ko na lang yung kontrata para matapos na rin kami agad dito dahil ayoko munang makita ulit si Charity matapos yung nangyari kagabi.
Pagpirmang-pagpirma ko, agad iniabot ni Charlie yung documents kay Direk na para bang natatakot na bawiin ko pa yung pagpayag ko.
"So, tulad ng nakasaad dito, hinding-hindi nyo na pwedeng bawiin yung kasunduan at kailangang sundin lahat ni Joey kung ano man yung nasa script." sabi pa samin ni Direk kaya tumango-tango lang kami.
"I can assure you Direk na magaling umarte yang kapatid ko. Ngayon pa nga lang--" tinakpan ko na lang yung bibig ni Charlie dahil baka kung ano pa yung sabihin nya.
"Good. So, sasabihan na lang namin kayo kung kailan tayo magsstart magshoot and si Joey, kailangan namin sya para sa workshop. Tapos next week, meron din tayong parang team building para magkakilanlan kayong mga casts and crew ng movie, okay?" agad-agad? Next week agad? Hindi man lang akong bibigyan ng panahon para magplano kung papa'no saktan din si Charity?
![](https://img.wattpad.com/cover/82233459-288-k217097.jpg)