PINING'S POV:
"Hindi naman sa ayoko or nagrereklamo ako ha, pero kasi Charity, hindi tayo makakapag-usap ng maayos kung hindi mo titigilan yung paghalik sa akin." humihingal na sabi ko sa babaeng kaharap ko. Jusko, masyado naman talaga nya akong namiss, ano? Eh nung kaninang sinabi nyang mag-usap kami, wala naman syang ginawa kundi humalik ng humalik.
Nagpout naman sya at nag-crossed arms kaya napangiti ako. Bakit kailangan nyang magpa-cute ng ganito?
"Seriously, Cha, we need to talk. Marami tayong dapat pag-usapan." natatawang-naiiling na sabi ko pa sa kanya.
"Bakit hindi na lang natin kalimutan lahat at ituloy na lang yung ginagawa natin?" nakasimangot pa rin na sabi nya.
"Alam mong hindi pwede yon. Kailangan muna nating ayusin lahat." sabi ko pa.
Mas lalo naman syang nagpout. Ugh! Hindi ba nya alam kung gaano ko pinipigilan yung sarili ko na wag syang halikan ulit? Bakit ba parang mas nang-aakit pa sya?
"Charity." saway ko sa kanya.
"JP naman kasi." napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.
"I missed that." komento ko pa.
"You have no idea kung gaano ko namiss sabihin yon. I missed you. I missed us." nakangiting sabi nya habang hinahaplos yung pisngi ko.
"I'm sorry. I'm sorry sa lahat. Instead na tanungin at kausapin kita, nagalit agad ako at lumayo. I'm sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan nyo ako ni Buknoy. Hindi ko man lang inalam kung bakit mo ginawa yon. And I'm sorry sa ginawa ni Mama. Hindi ko alam kung ano yung dahilan nya pero pagbalik nya galing Ilocos sa Sabado, kakausapin ko sya." hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Naramdaman ko na lang na pinupunasan nya yung mga luha ko.
"Shh, tapos na yon. I'm sorry kung ginawa ko yon sa'yo. Pero kung ibabalik yung panahon na yon, ganun pa rin yung gagawin ko. Alam mo kung bakit? Dahil gusto kong maging masaya ka kasama ng Mama mo." nakangiti pa rin nyang sabi mo.
Hinampas ko sya ng mahina sa balikat.
"Nakakainis ka. Bakit ang bait mo? Bakit puro ako yung iniisip mo? Ibang-iba yung Charity na nakilala ko sa mga kinukwento ni Klarisse noon." umiiyak pa rin na sabi ko.
"Dahil yung Charity na kilala mo, nagmahal ng isang tulad mo. At ikaw ang dahilan kung bakit nagbago ako. Ikaw yung nagturo sa akin kung papano maging positive sa lahat. Kung papa'no magmahal ng walang hinihinging kapalit." at bago ko pa mapigilan yung sarili ko, agad kong pinagsaklop ang aming mga labi.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita." bulong ko sa kanya matapos maghiwalay ng mga labi namin. Bakit ko pa itatago diba? Andami na naming nasayang na oras.
Nakangiti naman nyang idinikit yung noo nya sa noo ko.
"At mahal na mahal din kita, JP ko. Mula noon hanggang ngayon." mahinang sabi pa nya.
"Kahit ganito na ako? Kahit nagbago ako? Kahit hindi na ako yung JP na minahal mo noon?" tanong ko.
"Aaminin ko na nung una, nanibago ako. Iba ka na kasing magsalita, iba na yung itsura mo, at medyo nag-iba yung ugali mo. Pero habang nakakasama kita, nararamdaman ko na ikaw pa rin naman yan. Na ikaw pa rin yung JP na minahal ko." sagot naman nya.
"Isa pa pala." hay, syempre wala dapat secrets diba? Dun kasi kami nadadali eh, sa mga sikretong yan.
"Hmmm?"
Parang ang hirap namang sabihin o. Kakaayos lang naman eh. Baka kapag sinabi ko yung pinlano ko, masira na naman. Mawala na naman sya sa akin. Pero kasi, mas gusto kong malaman nya yung tungkol dito sa akin mismo. Kesa naman sa iba pa nya malaman diba? Baka lalo akong malintikan.
