AN: I tried. Ayun, mas nilagnat ako. Salamat sa pagmamahal ko kay Pining. At, naluluha pa ako habang tinatype 'to, so kung may mga mali, intindihin nyo na lang please?
At kung waley yung update, patawarin nyo na lang ako. Salamat.
=============================
PINING'S POV:
"Direk, sorry dun sa biglaang pag-alis ko sa team building ha. Emergency lang kasi talaga kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa lahat." yeah. Kailangan kong magsorry dahil napagalitan nya ako sa text nung isang araw. Hindi ko man lang daw kasi sya pinagsalita bago ako lumabas.
Hindi pa man daw, nagpapaka-diva na ako. Hay nako, hindi ko man lang napagtanggol yung sarili ko. Kung alam lang kasi nya yung totoong dahilan nung pagwo-walkout ko. Kasalanan kasi ni, hay nako na lang ulit. Nevermind na lang.
"Okay na yon. Basta wag na lang mauulit ha." sabi naman ni Direk kaya sunud-sunod na tumango ako.
Pagkatapos naming mag-usap, nakangiti (plastik 'to ha!) akong lumapit kay Charity. At nung nakita kong suot na naman nya yung kwintas, gustung-gusto kong haklitin yon sa leeg nya at isungalngal sa mukha nya dahil ang kapal-kapal ng mukha nyang isuot yung kwintas na binili ko para sa kanya nung INAKALA ko na mahal nya ako.
"Hey." bati ko pa sa kanya sabay upo ko sa tabi nya.
Nung una, mukhang takang-taka sya na lumapit ako pero ngumiti na lang din sya nung nakita nyang nakasmile din ako. At in fairness, nakakangalay palang ngumiti ng plastik no?
"Hi." bati naman nya.
"So, ready ka na rin para sa workshop?" small talk. Ganyan nga, Joey.
Tumango naman sya sa akin.
"How about you?"
Nagkibit-balikat naman ako.
"Sana. Alam mo naman na this'll be my first time diba? Noon kasi extra-extra lang and hindi naman kailangan ng mga ganitong workshop-workshop." sagot ko naman. Nagpapakakalma lang ako pero kinakabahan na ako ha. Hindi ko naman kasi alam kung keri-keri ko talaga yung acting-acting eh.
At naramdaman ko na na-tense ako nang bigla nya akong hawakan sa balikat pero hindi ako nagpahalata. Well, sana lang, hindi talaga nya nahalata.
"Don't worry. Andito naman ako eh. Ako yung bahala sa'yo kapag nahihirapan ka. And isa pa, dun sa mga dramatic scenes, kailangan mo lang naman mag-isip ng mga bagay na sobrang nakapagpaiyak sa'yo para lumabas agad yung luha mo." sabay smile nya sa akin.
"So pwede kong isipin yung time na may narinig ako sa restroom ng ELJ?" at bago ko pa mapigilan yung taklesa kong bibig, ayan, nasabi ko na yan. At sana napansin naman nya na nanlaki yung mga mata ko matapos ko yong sabihin. Wag sana nyang isipin na sinadya ko yon.
Bigla namang nawala yung mga ngiti sa mga labi nya at tinanggal din nya yung pagkakahawak nya sa balikat ko. Aw, parang bigla kong namiss yung kamay nya. Nakatungo syang tumango.
"Yeah." sabi pa nya.
"Oh em gee. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman sya gustong sabihin--"
"Pero yun yung una mong naisip? It's okay Joey. If yun yung kailangan mong isipin para maiyak ka, go." sabi pa nya sa akin.
"Can we change the topic na lang? Ayoko na lang kasi munang maalala yon. Sorry kung bigla kong nabanggit." yeah, kailangan kong magbait-baitan sa ngayon. Hangga't hindi ko pa alam kung papa'no ko 'mapapaibig' 'tong si Charity.
