Chapter 12

5.2K 279 60
                                    

AN: As promised, eto na yung chapter 12. Pero yung mga susunod na chapters, susubukan kong isunod agad. Yung ibang katanungan nyo, naririto ang kasagutan. Charot! Enjoy.

=============================

PINING'S POV:

"O saan ka pupunta?" takang tanong sa akin ni Maybelle habang hinihintay namin sila JT and Charity.

"Rehrum. Ang nangal nung nalawa eh. Wiwi lang ango mara mamaya, nerenyo na nayo ha mol." sabi ko sa kanya saka nagmamadaling pumasok sa restroom.

(Restroom. Ang tagal nung dalawa eh. Wiwi lang ako para mamaya, derecho na tayo sa mall.)

Emeged. Success. Kanina pa kasi puputok yung pantog ko. Nakakaloka.

Palabas na sana ako sa cubicle nang may narinig akong nagsalita.

"So, totoo yung tsismis, Cha? Girlfriend mo yung friend nila Maybelle?" bigla naman akong natigilan sa narinig ko. Syempre, gusto ko ring marinig kung ano yung isasagot ni Charity diba? Malay ko ba kung kikiligin ako ng bongga, hihi.

Pero ganun na lang yung paninigas ko nang marinig ko yung sagot nya.

"Asa? Ako, papatol don? DUH!" sabay tawa ng malakas.

"Yun kasi yung bali-balita eh. So sabi ko nga, kailangan kong dumerecho sa'yo diba?" sabi pa nung kausap nya.

"Alam mo, nakakatawa. Kung sino man yung nagkakalat nyan, malamang gusto lang akong siraan. Hello, hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para pumatol sa ganung tao diba? Nakita mo ba yung itsura nya? And ni hindi nga sya naiintindihan kapag nagsasalita sya eh." narinig ko pang sabi ni Charity at parang may sumaksak sa puso ko dahil sa sinabi nyang yon. Hindi naman siguro sya seryoso don? Nagbibiro lang siguro sya?

Naiiyak na napahawak ako dun sa kwintas na ibibigay ko sana sa kanya na nasa bulsa ko ngayon.

"Ang mean mo. Diba lagi kayong magkasama." natatawang sabi nung kaibigan nya.

"Yeah, at hindi mo lang alam kung gaano ako nandidiri kapag malapit sya sa akin. Pero syempre, kailangan kong magpakaplastik dahil gusto ko pa ring mapalapit kay Justine." narinig ko pang sagot ni Charity kaya naramdaman kong sunud-sunod na yung pagpatak ng mga luha ko. Tinakpan ko din yung bibig ko nung isang kamay ko para hindi nila marinig yung hikbi ko.

Nanghihinang napaupo ako.

Ang sakit. Mas masakit pa 'to sa nangyari sa amin ni Makario. Pinaasa nya ako. Umasa ako na totoo yung sinabi nyang mahal nya ako. Tangina. Tangina.

"Kung alam mo lang kung papa'no ko lang pinipilit yung sarili kong makisama sa kanya. And for sure, sya yung nagkalat tungkol dyan sa tinatanong balita. Feelingera yun eh. Feeling nya ata, may magkakagusto sa kanya." sabi pa ni Charity.

Alam mo yung gustung-gusto mong lumabas para sampalin sya at ipamukha sa kanya na naririnig ko lahat ng sinasabi nya pero hindi ko magawa? Hindi ko pa rin kasi sya kayang saktan. Yung gusto ko pa ring itanong sa kanya kung bakit nya kailangang paasahin ako, saktan ako. Ganti ba nya 'to dun sa magpinsan at ginamit nya ako?

"O sya, kailangan na tayo sa labas, later na lang ulit tayo magchikahan. Sabihin ko na lang din sa kanila na hindi naman totoo yung pantasya nung stalker mo." narinig kong sabi nung kausap nya bago tumahimik at tuluyang sumarado yung pinto.

Nang makasigurado ako na wala nang ibang tao sa labas, agad kong binuksan yung cubicle pero natigilan ako nang salubungin ako ng tingin ni Charity sa salamin. Parang hindi sya nagulat na nandito pala ako sa loob ng cubicle. Malungkot lang syang nakatingin sa akin pero agad din iyong nagbago nung nakita nyang nagtatanong yung mga mata ko na nakatingin din sa kanya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon