PINING'S POV:
"You're aware na because of what you did, they might think that you're still in love with your ex, right?" tanong sa akin ni Charlie nung ikwento ko sa kanilang tatlo nila JT and Klarisse yung sagutan namin ni Charity kanina.
"I don't love her anymore. You should know that, Charlie." sabi ko naman sa kanya.
"Is that your mind talking, or your heart?" tanong pa nya.
"Both." sagot ko naman.
"Yeah right. As if naman maniniwala kami sa'yo." naiiling na sabi ulit sa akin ni Charlie.
"You have to. I am your sister, remember?" pa-sarcastic na sabi ko pa sa kanya.
"My super in denial sister." sabi naman nya kaya napasimangot ako.
"Akazukin Cha-cha, wag kang ganyan. Wag mong ipakita sa kapatid mo na kinakampihan mo si Charity. Ikaw din, magselos na naman yan." ayan na naman si Klarisse. As if naman maaapektuhan ako sa tukso-tukso nyang yan. Sus.
"Yeah. Sobrang selos ko nga eh." sakay ko pa sa panunukso nya kaya ngumiti sya ng nakakaloko.
"See? Umamin na sya, Cha-cha. Nagseselos nga sya sa'yo." sabi pa nya.
"I know. Mas maganda kasi ako sa kanya eh. Malamang, kakabahan talaga sya." sabay kibit pa ng balikat nya.
Ay wow. Akala naman talaga nila totoong nagseselos ako. Di no! Asa 'tong mga 'to.
"Duh. I was just joking. Hindi ako magseselos sa'yo no, Charlie!" natatawang sabi ko sa kanila.
"Oh. Why? Dahil sure kang ikaw pa rin yung mahal nya?" tukso pa rin nila. Seriously, hindi ba nila ako titigilan? Lalo na 'tong si Charlie at Klarisse. Hindi ba sila yung nakawitness kung papa'no ako nasaktan dahil kay Charity?
"That, I'll agree. As Charity's ex-girlfriend, I am fully aware of that 'I still care for her and I'm still in love with her' look." aba, sumingit pa 'tong si JT.
"Malamang sa'yo. Kasi iba naman yung itsura mo sa itsura ko diba?" ayan na naman, nagseself-pity na naman ako. Kinumpara ko na naman yung sarili ko sa isang napagandang ex ni Charity.
"I don't think so. Hindi si Charity yung tipong titingin sa pisikal na itsura ng isang tao. And sa nakita ko sa inyo noon, alam ko na totoong minahal ka nya." sabi pa ni JT.
Umiling-iling naman ako sa kanya.
"Magaling lang syang artista, JT. Hindi lang ako yung napaniwala nya. Pati kayong lahat. In fairness sa kanya ha, ang galing nya don." sabi ko pa.
Magsasalita pa sana si JT pero nakita kong umiling sa kanya si Klarisse.
Nakakaunawa naman syang tumango.
"Sorry." sabi pa nya sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanya.
Alam ko naman na walang alam si JT kung bakit kami nagkahiwalay ni Charity kaya naiintindihan ko kung bakit nya pinagtatanggol yung taong yon. May pinagsamahan din naman kasi sila at yun yung pagkakakilala nya sa ex namin.
"Pero alam mo, mas okay na rin yung ginawa mo kanina." sabay-sabay naman kaming napatingin kay Klarisse dahil sa sinabi nya. Ano namang okay don?
"Okay?" takang tanong ko sa kanya. Eh tama nga si Charlie kanina diba? Iisipin ng iba na bitter pa rin ako hanggang ngayon.
Tumango naman sya.
"Yep."
"Bakit?" tanong ko pa.