PINING'S POV:
"Sigurado ka ba? Papa'no kung magalit na naman sa akin yung Mama mo at sabihin na hindi ako marunong tumupad sa usapan? Baka isumbat nya sa akin lahat. Baka sabihin nyang layuan na naman kita---" at dahil paulit-ulit sya kanina pa, hinalikan ko na lang sya para tumigil sya sa kakasalita. Para kasi syang si Maybelle eh. Sinabihan ko na nga na wala na syang dapat alalahanin dahil tanggap na kami ni Mama pero ayan, kung anu-ano pang sinasabi.
"See? Eh di tumigil ka. Yun lang pala yung makakapigil sa'yo, eh di sana pala, kanina ko pa ginawa." sabay kindat ko pa sa kanya kaya ayun, namula ang loka.
"Ew talaga. Hindi pa rin ako sanay na nagtutukaan kayong dalawa. Pining Garcia, magstick ka sa pangalan mo, wag mong kainin ang pipino. Mag Pining Garcia ka na lang." at dahil malayo ako sa kanya, si Charlie na yung bumatok kay Klarisse para sa akin. Pasalamat yang babaeng yan at TVC shoot yung asawa nya dahil kung nandito yon, hindi lang batok yung natikman nya.
"Pasalamat ka, nasa taas pa si Mama dahil kung narinig ka nya, baka pinalapa ka na sa aso namin." narinig kong sabi sa kanya ng kapatid ko.
"Duh. Para kang si parrot. Wala naman kaya kayong aso. Baka ikaw yung gustong lumapa." nakasmirk na sabi ni Klarisse kaya biglang natahimik yung kapatid ko at namumulang lumayo sa bestfriend nya. Luh, hindi kaya napicture ni Charlie sa imagination nya yung sinabi yon ni Klarisse.
Tawang-tawa naman si Klarisse na humabol sa kapatid ko. Hay, alam kong paulit-ulit pero kung wala sigurong JT, yung babaeng hitler sana yung gugustuhin ko para sa kapatid ko eh. Pero wala eh, hanggang kaibigan lang yung kayang ibigay ni Klarisse.
Sila Maybelle, Anastasia, at Julia naman, hindi makapali sa upuan nila. Papa'no kasi, takot yang mga yan kay Mama. Ilang beses na kasi sila nasungitan eh. Everytime na pumupunta sila dito sa bahay, sinasamaan sila ng tingin ni Mama kaya yan, ganyan yung mga reaksyon nila.
Natatawa nga kami ni Charlie dahil nung sinabi nila, feeling nila pina-prank namin sila. Asa naman daw kasi sila na iimbitahan sila ni Mama ng bukal sa loob nya. Kung alam lang nila na iba na si Mama ngayon, malamang, hindi sila ganyan kakabado. Pero gusto kong tahimik sila kaya hindi ko muna sasabihin sa kanila na gusto naman talaga sila ni Mama bilang mga kaibigan ko.
Bigla kong naramdaman na mas humigpit yung hawak ni Charity kaya napalingon ako sa kanya. Napangiti naman ako kasi takot na takot syang nakatingin kay Mama na pababa ng hagdaan.
Binitawan ko muna si Charity at sabay kami ni Charlie na lumapit kay Mama at yumakap.
Ngumiti naman si Mama sa amin at sa mga kasama namin kaya ayun, kung pwede lang akong tumawa sa mga itsura nila ngayon, nanlalaki yung mga mata at nakanganga. Well, pwera kay Klarisse, hindi talaga sya takot kay Mama noon pa lang. Masyado syang matapang.
Mas lalong nanlaki yung mata ng tatlo kong kaibigan nung isa-isa silang yakapin ni Mama.
"Hello Maybelle, Anastasia, at Julia. Mabuti naman at nakarating kayo." nakangiting bati ni Mama sa tatlo.
At yung tatlo, wala, nakatanga lang sila sa harap ni Mama kaya lumapit naman si Mama kay Klarisse.
"Lopez. In fairness, hindi ka pa rin nagbabago." nakangiting bati ni Mama dito sabay beso pa.
"Naman Mrs. Garcia na nagbigay kay Pining ng magandang pangalan na bagay na bagay sa apelyido nyo. At in fairness din sa inyo, mas maganda yung itsura nyo kapag nakangiti kayo. Hindi nyo po kamukha si Ms. Minchin." nakangiting sabi nya pa kay Mama.
At kahit kami ni Charlie, nagulat sa sinabing yon ni Klarisse kay Mama. Wow, ang tapang. Si Mama, ayun, natawa lang sa sinabi sa kanya ng bruha.
Tuwang-tuwa naman na lumapit sa kanya si Buknoy.
