Chapter 3

8K 312 5
                                    

AN: Ops! After ilang years, na-update ko din 'to. Haha. Sorry kung medyo natagalan, pero eto na. Okay na, enjoy kayo! Haha.

At, dedicated pala 'to kay mylovelytenshi. Sabay-sabay natin syang batiin ng happy bday. Yay! Enjoy your day. Lablab :*

O eto na, mabuhay ang PiNya shippers! Haha. Charot. Enjoy.

=============================

PINING'S POV:

"Klang is my secret best friend." yan lang yung sagot sa'kin ni Charlie nung tinanong ko sa kanya kung bakit hindi nya sinabi sa akin na magkakilala pala sila ni Klarisse. Matagal ko na dapat itatanong 'to kaso ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.

"Hingren mehmren?" takang tanong ko naman sa kanya. Uso pa ba yon? Jusko ha.

(Secret Bestfriend?)

Tumango-tango naman yung kapatid ko sa monitor. Yeah, sa skype na lang kasi kami nagkakausap na dalawa. Hindi kasi sya nakakauwi dito sa Pinas eh. Kahit nga eto, kakatapos lang ng graduation namin, hindi pa rin sya nakaattend kasi sobrang busy nya sa US.

"Well, ayoko naman na ganun kaming dalawa kaso kilala mo naman si Klarisse diba? Feeling nya kapag may nakaalam na may bestfriend sya, iisipin na agad ng tao, weak sya. Ewan ko ba don. Tapos yun nga, ayaw din nyang malaman ng tao na super close sya sa pinakamagandang babae sa buong mundo." at ayun na naman yung signature smirk ng pa-humble kong kapatid.

"Ay wow. Imerne ha'yo. Humer hamol mo nalanga. Ima nga!" naiiling na sabi ko sa kanya.

(Ay wow. In fairness sa'yo. Super humble mo talaga. Iba ka!)

"Pero maiba tayo, bakit ganyan yung itsura mo ngayon?" tanong nya sa akin habang nakakunot-noo.

At sa pagkakataong 'to, ako naman yung nagsmirk sa kanya kahit hindi ko alam kung papa'no magsmirk.

Aba mabuti naman at napansin nya yung outfit ko ngayon. Pinaghirapan kaya namin 'tong i-rent sa 'Linga sa Taypa Gowns and Barongs'.

"Ulaan mo." ngiting-ngiting sabi ko sa kanya.

(Hulaan mo.)

"Hindi naman siguro Flores de Mayo dahil wala pa namang May diba? Or baka penitensya?" nakakunot-noo pa rin na sabi nya.

Bigla namang nawala yung ngiti ko dahil sa sinabi nya. Ang bwisit na 'to, penitensya daw? Hindi ba talaga nya gets kung bakit ang bongga-bongga ng itsura ko ngayon?

"And dahil sumimangot ka, mukhang mali ako. Hmmm, maagang hallo--"

"Humungan mong inuloy yan, Nyarlih, mahahamak ngina!" banta ko sa kanya. Wala pa ngang May diba? Alangan namang mauna yung October or November diba? Tse.

(Subukan mong ituloy yan, Charlize, masasapak kita!)

"Fine. What's the occasion ba?" tanong na lang nya.

"Nima alam mo naman na mana ma lang nayo, nguho ngo na mang-arnihna. Eh nahami ha amin ni Meng na nguho nya mang-onihyon ha Mimimi, ho, mang-oonihyon nin ngame." proud na proud na sabi ko sa kanya. Hah! Kala nya ha. Sisikat din ako tulad nya no! Kung sya, sikat na photographer, ako magiging sikat na artista. Hihi.

(Diba alam mo naman na bata pa lang tayo, gusto ko na mag-artista. Eh nasabi sa amin ni Meng na gusto nyang mag-audition sa PBB so, mag-aaudition din kami.)

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon