AN: Ayan, natapos ko din 'tong chapter na 'to. Wala kasing pumapasok sa isip ko kaya ngayon lang ako nakapagsulat. Wala pa dito yung kilig-kilig dahil eto pa lang yung simula ng buhay ni Pining. Medyo madrama 'tong chapter na 'to pero romcom pa rin sya. Haha. Oh wells, basta basahin nyo na lang. Lablab. Mwah!
=============================
PINING'S POV:
"Charlize, gumising ka na. Dapat maaga pa lang nasa mall na tayo para makapamili tayo ng isusuot mo para sa prom nyo." narinig kong sabi ni Mama sa kapatid ko pagpasok nya sa kwarto namin.
"Hoy Josepina! Gising na daw. Aalis daw tayo!" sabay gising naman sa akin ng Ate ko.
Magmumulat na sana ako pero bigla kong narinig na nagsalita si Mama.
"Tayong dalawa lang yung aalis, Charlize. Hindi natin isasama yang kapatid mo. Ikaw lang naman yung kailangan kong ibili ng gown diba?" sabi pa ni Mama sa kapatid ko.
"Pero Ma, diba aattend din ng prom si Pining?" narinig ko pang katwiran ni Charlie.
"Sa tingin mo ba, may magtatangkang magyaya sa kapatid mo sa itsura nyang yan? Wag ka ngang mag-ilusyon dyan, Charlize. Hindi natin kailangang bilhan ng kahit ano yang kapatid mo dahil hindi rin naman sya makakaattend sa prom nyo." at parang may kung anong tumusok sa buong katawan ko nang marinig ko yung sinabing 'yon ni Mama.
Alam kong hindi ako kasing ganda ng kapatid ko pero hindi ko lang kasi matanggap na sa sarili ko pang nanay maririnig yung ganong salita.
Pero dahil ayokong malaman nila na gising ako at naririnig ko yung pinag-uusapan nila, pinilit kong pigilan yung sarili ko na umiyak sa harap nilang dalawa.
"Ma! Hindi nyo po dapat---"
"Maligo at magbihis ka na, Charlize. Ayoko nang marinig yung iba mo pang sasabihin. Hihintayin kita sa baba." malamig na sabi pa ni Mama bago ko narinig yung pagsarado ulit ng pinto.
Naramdaman ko na papalapit sa akin si Charlie kaya mas lalo kong ginalingan yung pagtutulug-tulugan.
"I'm sorry, Jopopay. Pero sana hindi ka maniwala sa sinabi ni Mama. Maganda ka Josephine, ikaw yung pinakamagandang tao na nakilala ko. Hindi lang sa panlabas na itsura. Ikaw yung pinakamabait at may pinakamalaking puso na nakilala ko. Hayaan mo, darating yung araw na makikita din nila yung kagandahan na nakikita ko sa'yo. I love you, Sis." at naramdaman ko na hinalikan nya ako sa noo ko.
Nang marinig kong sumara yung pintuan ng banyo, saka ko lang pinakawalan yung mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
Sa edad kong 'to, sanay na sanay na ako sa mga masasakit na salitang sinasabi ng ibang tao tungkol sa'kin. Yung pagkukumpara nila sa aming dalawa ni Charlie, yung pagtawa nila dahil sa kapansanan ko. Sabi ko nga, lakasan lang naman ng loob yan diba? At isa pa, ang importante naman, mahal ako ng mga kaibigan at pamilya ko. Pero yung marinig mong yung sariling nanay mo yung nagsasabi non, parang biglang nawala yung lakas ng loob mo. Ang sakit-sakit lang na kung sino pa yung inaasahan mo na tatanggap sa kapansanan mo, sya pa yung ikinakahiya ka.
Nang maramdaman ko na papalabas na si Charlie sa banyo, agad kong pinahid yung mga luha sa pisngi ko at nagtulug-tulugan na lang hanggang masigurado ko na nakaalis na sila.
At tulad nga ng sinabi ni Mama, wala ngang nagyaya sa akin sa prom kaya hindi ako umattend. At habang busy sila sa pag-aayos kay Charlie, nagkulong na lang ako sa kwarto ko. Oo masaya ako para sa Ate ko, pero ayoko kasing marinig na naman yung usapan ng mga nag-aayos sa kanya. Sigurado kasi ako na yung tungkol sa pagkakaiba na naman namin ng kapatid ko pinagttsismisan nila don. At kahit akong saway sa kanila ni Charlie, wala din syang magagawa dahil si Mama lagi yung nag-oopen ng topic na 'yon.
