Chapter 35

5.6K 263 24
                                    

PINING'S POV:

"So, nagkaintindihan na ba kayo, Joey? Nagkabalikan na kayo?" excited na tanong ni Rhian pagpasok na pagpasok ko sa studio. Jusme, pwede bang umupo muna ako at magpahinga?

"Nope." sagot ko na lang. Yun naman yung totoo diba?

I heard her gasp. Alam mo yung OA masyado? Akala mo naman sobrang sama nung sinabi ko sa kanya. Bad news, bad news?

"Bakit? Anong nangyari?" tanong pa ni Rhian.

"Wala naman. Mas gusto lang nya daw maging friends. So there." walang ganang sabi ko pa. Naiinis pa rin ako kapag naalala ko yung usapan namin kagabi.

"Friends? So matapos ang lahat, friends lang talaga?" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Yon.

"Yeah. So okay na lang." wala na rin naman akong magagawa diba? At dahil may naalala ako, napatingin ulit ako kay Rhian. "Btw, wag kang magugulat kung maririnig mo na may gusto ako sa girlfriend mo ha." at syempre, ayun na naman yung taas ng kilay nya. Pero hindi ko na lang pinansin dahil wala ako sa mood makipagtalo ngayon.

Nakapamewang na mas lumapit pa sya sa akin.

"And why is that?" narinig kong tanong nya. At yung boses nya ha, akala mo gusto akong hamunin ng away.

Malungkot na naghalumbaba muna ako bago sumagot.

"Nung kinwento ko kasi kay Klarisse yung usapan namin, pinilit nya akong sabihin na gusto ko pa ring maging girlfriend si Charity na nasa may likod na pala namin. At dahil ayaw nya akong mabuking, sinabi nyang si Cha, na Glaiza de Castro yung gusto ko. So, yeah, sorry. Pwede ko namang bawiin yon at sabihin na nagbibiro lang si---"

Pero bago ako makatapos ng sasabihin ko, tumango-tango na sa akin si Rhian.

"I'm in." sabi nya kaya nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya. I'm in saan? Jusme.

"What are you talking about?" tanong ko pa sa kanya.

"Okay sa akin yung planong yon ni crushie. Kung kailangan mong pagselosin si Charity para lang mapa-realize natin sa kanya na hindi lang hanggang kaibigan yung gusto mo, go ako dyan. Ako na rin yung bahalang magsabi kay Love." tiningnan ko naman si Rhian na para bang dalawa yung ulong tumubo sa kanya. Adik ba sya? Pinagsasabi nya? Wala namang ganung plano.

"Plano ka dyan. Walang ganung plano. Wag kang mag-adik, Rhian Ramos. Nasstress ako sa'yo."

"Maniwala ka sa akin, Joey, effective talaga yon. Nangyari na yan sa akin. Sinasabi ko sa'yo, nag-iiba ang mga tao kapag nagseselos." sabi pa nya sa akin kaya napailing lang ako.

"Ewan ko sa'yo, Rhian Ramos. Napakaweird mo." sabi ko pa pero hindi nya ako pinansin at ngumiti lang ng nakakaloko.

Napa-facepalm naman ako sa isip ko nang makita kung bakit sya ngumiti. At bago pa ako makapagreact, nakalapit na sya kay Glaiza at sa itsura nilang dalawa ngayon, parang alam ko na kung ano yung pinag-uusapan nila. Seriously? Hindi uso sa akin yang mga paselos-selos na ganyan.

At mas lalo akong nastress nang makita kong ngumiti si Glaiza at tumango sa girlfriend nya. Yung totoo? Nagpaplano sila na hindi muna ikinokonsulta sa akin? Nakakaloka kahit kelan. Bakit ba kailangang ako lagi yung nasa ganitong sitwasyon? Bakit ganito yung mga nakikilala kong kaibigan?

Wala na rin akong nagawa nang lumapit ulit silang dalawa sa akin at patabihin sa akin ni Rhian si Glaiza.

"Akala ko ba selosa ka?" tanong ko na lang kay Rhian pag-upo nya. Alam naman kasi ng lahat ng tao kung gaano sya kaselosa pagdating kay Glaiza.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon