PINING'S POV:
"N-nasa bahay na daw si Mama. Pupuntahan ko sya. Ikaw, dito ka na lang ba muna? Okay lang naman. Sabihin ko na lang sa kanya na busy ka kaya hindi ka pa makakauwi." concerned na sabi sa akin ni Charlie pagkatapos naming magbreakfast.
Kapag nga naman sinuswerte o, kung kelan pa talaga wala kaming shooting, saka pa nakabalik si Mama. Parang sign na talaga 'to na kailangan ko na talaga syang makausap.
Nung una kasi, medyo nag-iisip pa ako. Papa'no kasi kung magkasagutan pa kami ni Mama diba? Ayoko naman sanang mangyari yon. Gusto ko lang namang malaman kung ano talaga yung dahilan nya kung bakit ayaw nya akong maging masaya. At susubukan ko yon na intindihin hangga't kaya ko.
Sya pa rin kasi yung dahilan kung bakit ako nabuhay diba? Utang ko pa rin sa kanya yung buhay ko. Kahit hindi ako masyadong nakaramdam ng pagmamahal nya, alam kong pilit pa rin nya akong inilagaan ng siyam na buwan sa sinapupunan nya. At dun pa lang, nagpapasalamat na ako sa kanya.
Pero syempre, may mga tanong pa rin naman na bumabagabag sa akin. Bakit sa akin lang sya ganito? Bakit kay Charlie, wala naman syang problema? At bakit halos lahat ng nagmamahal sa akin, pilit nyang itinataboy at sya pa mismo yung nag-uutos na saktan ako?
Tapos yung ginawa nya kay Charity. Ginamit pa talaga nya ako para mapapayag si Charity sa gusto nya. Oo nga't ipinaramdam nya sa akin nung mga panahon na nasa states ako na mahal nya ako pero bakit kailangang may kapalit yung pagmamahal na yon? Hindi ba nya kayang iparamdam yun sa akin ng kusa? Ganun ba ako ka-walang halaga sa kanya?
Kaya alam kong eto na yung oras para malaman ko na yung mga dahilan ni Mama.
Malungkot akong ngumiti kay Charlie bago ako sumagot sa tanong nya.
"I need to talk to her. Siguro eto na yung time para malaman ko na yung sagot sa mga tanong ko simula pa nung bata tayo."
"Are you sure?" nag-aalalang tanong pa rin ni Chrlie.
Tumango ako sa kanya.
"Don't worry, I won't do anything stupid." sabi ko pa kaya wala na lang syang nagawa kundi tumango.
"Sasabay ka ba sa akin or susunod ka na lang?" tanong pa nya.
"Susunod na lang ako. Kakausapin ko lang muna si Charity para ipaalam sa kanya na kakausapin ko na si Mama tungkol sa amin, at tungkol sa nangyari noon." sagot ko naman sa kanya habang idina-dial yung number ng girlfriend ko.
Nakangiting tumango naman sya.
"Sige, just send me a message or call me kapag papunta ka na ha." yun lang at lumabas na sya ng bahay para umuwi sa amin.
This is it Joey, maririnig mo na yung mga sagot sa tanong mo. You have to be ready, okay? Hoo!
***
"Hi. How are you, Josephine?" tanong ni Mama matapos ko syang yakapin pagdating na pagdating ko. Medyo natagalan ako ng kaunti sa pagsunod kay Charlie dahil humingi pa ako ng lakas ng loob kay Charity. Hindi ko kasi talaga alam kanina kung papa'no ko sisimulan yung pagtatanong kay Mama at kung papa'no ako magrereact sa isasagot nya.
Ngumiti lang ako sa kanya ng malungkot. Si Charlie, nag-aalalang nakatingin lang sa amin ni Mama pero hindi sya nagsasalita. Alam nyang moment naming dalawa 'to ng nanay namin.
"Nakita ko sa news, magkasama daw kayong dalawa ni Charity Mercado sa isang movie. Totoo ba yon?" medyo natigilan ako nang marinig ko yung pagkakasabi nya sa pangalan ng girlfriend ko pero tumango pa rin ako sa kanya.
"Yes Ma." maikling sagot ko.
Narinig kong huminga ng malalim si Mama kaya inihanda ko na rin yung sarili ko sa kung saan man patungo 'tong pag-uusap na 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/82233459-288-k217097.jpg)