Chapter 4

8.8K 294 8
                                        

AN: At matapos ang isang buwan, eto na ang update. Haha. Pasensya na kung natatagalan talaga. Pero eto na sya. Yung A Beautiful Disaster, hindi akin yung next two chapters kaya si drifter_01 yung kulitin nyo don. Sa ngayon, eto munang kay Pining yung bibigyang pansin ko, hihi. ✌️

Enjoy!

=============================

PINING'S POV:

"Naramdaman mo na ba yung bigla na lang naging kakaiba yung tibok ng puso mo dahil lang sa isang tao?" nagkatinginan naman kaming tatlo nila Tasing at Juling nang sabihin yon ni Maybelle.

Andito kami ngayon sa bakeshop nila Klang dahil hinihintay namin yung cookies na pinapabake ni Meng sa kanya. May pagbibigyan daw sya.

Pero napaisip ako sa sinabi nya. Gusto ko sanang sabihin na naramdaman at naranasan ko na yon pero hindi pa ako ready na sabihin sa kanila. At isa pa, hindi naman ako sure kung bakit ko naramdaman yon.

"Hindi pa. Nagkaroon ako ng mga kemerut pero di ko pa nararamdaman yang ganyang chuvaness." sagot ni Tasing sa kanya.

"I second the motion." sabi naman ni Juling.

Nagkibit-balikat lang naman ako. Hindi ko din kasi alam kung naramdaman ko talaga yon kay Makario eh. Oo, kinikilig ako sa kanya, pero yung sinabing yon ni Maybelle, hindi ko naman sa kanya naramdaman. Sumasakit yung bangs ko talaga dahil don. Kamusta naman kasi na dun pa sa super idol ko naramdaman yon diba? Okay lang sana kung lalaki sya, pero hindi eh, babae din. JUSKO lang talaga diba?

Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Klarisse na inilalagay na sa box yung cookies ni Maybelle.

"Kay Justine. Bukod tanging sa kanya ko lang naramdaman yon. At hanggang doon lang yung pwede kong sabihin." nakataas ang kilay na sagot nya sa amin.

"And kayo na ni JT ngayon." parang wala naman sa sariling sabi ni Maybelle habang tatango-tango at nakatulala.

"Bakit parrot, tapos na ba yung kalandian at kaharutan mo at may nagpatibok na dyan sa puso mo?" natatawang sabi ni Klang sabay abot ng box kay parrot.

Napatingin naman kami kay Maybelle na umiiling-iling at parang nakikipagtalo sa sarili.

"Yeah. In love na nga yan. Kung kanino man, malalaman din natin kung sino yan." sabay smirk pa sa amin ng mahadera. "Eh ikaw, Pining Garcia, bakit parang tahimik ka dyan? Naramdaman mo na rin?" feeling ko, namutla ako dahil sa komentong 'yon ni Klarisse. Nakakabasa ba sya ng isip ng tao?

"Ahm---"

Pero bago pa ako makapagsalita ng tuluyan, iniharang na nya yung kamay nya sa mukha ko.

"Never mind. Hindi rin naman kita maiintindihan eh. Para kang anime na kailangan pa ng subtitle." natatawang sabi pa nya.

Inis na inirapan ko na lang sya. Hmp! Papa'no ba 'to naging best friend ng kapatid ko? At saka bakit ba sala sa init at sala sa lamig 'to. Lagi akong pinagtatanggol sa ibang nang-aapi sa akin pero sya, kung makapang-api, bonggang-bongga talaga. UGH!

"Hoy parrot! Umalis na kayo dito. Malas kayo sa business. Ang papangit nyong apat!" at sasagot sana kaming apat at magrereklamo pero sinamaan na nya kami ng tingin kaya wala na lang kaming nagawa kundi sundin yung gusto nyang mangyari.

"Alam mo Meng, ang sweet-sweet talaga ng pinsan mo kahit kelan no?" sabi ni Tasing after naming makalabas ng bakeshop.

"Marang hini naman ngayo nahanay ngay Nglang. Ininihin na lang nanin. Manga mahamal ma nayo mang narining nayo non." mahinang sabi ko naman. Takot kasi talaga ako kay Klarisse eh.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon