Chapter 16

5.7K 315 17
                                        

PINING'S POV:

"I-I- h-hello." at kahit kabado ako, parang gusto kong magpaparty dahil sa nakita kong reaksyon nya. Ganyan nga, magstutter ka, Charity.

"So, how are you? Long time no?" pilit ko pa rin pinapanormal yung boses ko. Nakangiti pa rin ako sa kanya.

Sila Maybelle, JT, Charlie, at Klarisse, nagpapalipat-lipat lang yung tingin sa aming dalawa.

"I-I'm good." parang wala pa rin sa sariling sagot nya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Nice. And balita ko, sikat ka na rin daw ngayon. I'm happy for you, natupad mo na lahat ng pangarap mo." nakangiting sabi ko pa rin kahit sa loob ko, parang gusto kong isampal sa kanya na kasabay nya akong nangarap noon.

Malungkot na ngumiti naman sya sa akin. Ay wow, ginagamitan na naman nya kami ng galing nya sa pag-arte. Pero nah, hindi na ako muling magpapakatanga dyan.

"Hindi lahat." sagot nya sabay hawak ulit dun sa kanina pa nya hinahawakan sa may bandang leeg at dibdib nya. Nakakatawa lang kasi dahil parang nakadepende yung buhay nya sa kung ano man yon.

"I see. Siguro hindi pa sa ngayon, pero I know na sa GALING mo, matutupad din yon." sabi ko pa sa kanya.

"Hindi na siguro. Hindi na siguro." sabi pa nya habang nandun pa rin yung isang kamay nya sa kwintas ata.

"Wag kang mawalan ng pag-asa. Tingnan mo ako, hindi ako nawalan ng pag-asa, nakuha ko na lahat ng gusto ko." sinungaling. Yung nag-iisang gusto mo, ayan sa harap mo o. AT HINDI S'YA SA'YO.

"Oo nga eh. Napansin ko na nagbago ka na." sabay smile sa akin.

"Yeah. Kailangan eh. Minsan kasi, nakakapagod din na i-bully ka ng mga tao. Tapos yung pag-usapan ka habang nakatalikod ka." napasmirk ako nung nakita kong napatungo sya dahil sa sinabi ko. Ha! Take that. Kulang pa nga yan sa mga pinagsasabi mo noon sa akin.

"I-I'm sorry-- I didn't mean to--"

Nakangiting umiling naman ako sa kanya.

"Wala nang kaso yon. Tapos na naman eh. Saka tama naman lahat ng sinabi mo diba? Well, hindi ko lang siguro inexpect na sa'yo manggagaling yon pero okay na rin. At least dahil don, naging ganito ako diba? Sabi din nila, past is past so kebs na yon. We're good." sabi ko pa sabay kindat sa kanya.

Tangina. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin yung 'pagpapakatatag' na 'to. Nanghihina na talaga ako.

"I'm really sorry." eh tangina, puro ka sorry. May magagawa ba yang sorry mo? Tulad nung unang beses na narinig ko yung mga sinabi nya noon, gustung-gusto ko syang sampalin at ipamukha sa kanya na gago sya, na tangina sya dahil wala syang puso! Na sana sinabi na lang nya sa akin ng maaga na hindi naman nya talaga yung magugustuhan yung isang taong tulad ko, at hindi yung ginawa nya akong tanga. Pero dahil kailangan kong ipakita sa akin na balewala na sa akin lahat, ngumiti ako sa kanya.

Hoy mga lecheng luha, mamaya na kayo lumabas. Hindi ko kayo kailangan sa ngayon. Hindi-hindi ako papayag na umiyak na naman sa harap ni Charity.

"Tulad ng sabi ko kanina, okay na yon. Tapos na diba?" sabi ko pa.

Kailangan ko nang makaalis dito dahil kapag tumagal pa ako, alam kong hindi ko na makokontrol yung emosyon ko. Nararamdaman kong malapit nang pumatak yung mga luha ko.

Shit, shit, shit, shit!

"Klangertz, naiwan ko yata yung phone ko dun sa kotse mo. Pwede bang samahan mo si Jops na kunin yon? Please? Tinatamad akong bumalik eh." at hindi naman nagdalawang salita si Charlie kay Klarisse dahil naramdaman ko na lang na hawak-hawak na nya ako habang inaakay papunta sa sasakyan nya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon