Chapter 29

5.4K 287 46
                                    

PINING'S POV:

"I'm sorry." there. Nasabi ko na. Kanina pa dapat eh. Pero kasi, sabi nga ni Klarisse, palipasin ko muna. So yon, hinintay ko munang tapusin nya yung concert nya bago ko sya lapitan.

Tumingin lang sya sa akin kaya pinagpatuloy ko na lang yung pagmomonologue ko.

"Alam kong ang b*tch ko dahil sa sinabi kong yon sa'yo. Hindi mo deserve yon. Inaalala mo lang ako. I'm really sorry, Maybelle. Okay lang sa akin kung sasampalin mo ako ngayon or sasabihan ng hindi magandang salita, tatanggapin ko yon dahil alam kong deserve na deserve ko yon." sabi ko pa sa kanya.

Pero tulad kanina, nakatingin lang sya sa akin. Fudge, galit pa rin sya. Hindi pa rin humuhupa yung galit nya dahil sa nangyari kanina. Dapat pala mas naghintay pa ako.

"Uhm. I'm really sorry at naiintindihan ko kung ayaw mo na akong maging kaibigan. Yeah, yun lang." naiiyak na sabi ko bago tumalikod sa kanya. O ayan Joey, nawalan ka ng isang kaibigan dahil sa ugali mo. Hindi mo pa rin ba babaguhin yan?

"Hindi na ba matigas yang ulo mo?" bigla naman akong napatigil at lumingon ulit kay Maybelle nang bigla syang magsalita.

Agad naman akong napangiti nung nakita kong nakangiti sya. At hindi na rin sya nagulat nang bigla akong yumakap sa kanya.

"I'm sorry. I'm sorry. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko kanina." ayan na naman yung mga luha ko. Bakit ba ang babaw na naman ng mga luha ko ngayon? Hindi na ako ganito ngayon diba?

"Shhh. Okay na. Naiintindihan ko naman. Hindi rin ako galit. Nagtatampo, oo. Pero kahit kelan naman hindi ko magagawang magalit sa'yo diba? Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?" tumango naman ako habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Alam ko din na may mali ako kanina. Hindi ko dapat ipi-nush yung topic na 'yon. Kaso, ayokong nakikitang ganyan ka eh. Oo masaya ako na bumalik ka na, pero namimiss ko yung dating ikaw. Ibang-iba kasi eh. Noon kasi, ikaw yung sobrang positive mag-isip. Yung kahit may mga problema tayo, pinipilit mo pa ring magpakasaya at pasayahin kami. Tapos kapag ngumingiti ka noon, alam namin na totoo dahil umaabot sa mata mo. Ngayon kasi, parang ibang tao yung kasama namin." mahabang sabi pa nya.

"I know. I'm sorry." sa ngayon, yun lang yung kaya kong sabihin.

"Pero hindi ibig sabihin na nawala na or nabawasan yung pagmamahal namin sa'yo. Para sa amin, ikaw pa rin si Pining na masiyahin at mapagmahal. Pasasaan ba at babalik din sya. Alam kong nandyan lang sya, at hihintayin namin yung pagbabalik nya." sabi pa ni Maybelle kaya mas lalong humigpit yung yakap ko sa kanya.

Hay. Bakit ba ang swerte ko at nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila? Bakit nga ba hindi ko na lang ibalik yung dating ako?

"Pero Maybelle, natatakot ako." naiiyak na sabi ko pa kaya nakangiti syang kumalas sa akin at pinunasan yung mga luha ko.

"Alam ko. Natatakot kang baka kapag ibinalik mo yung dating ikaw, masaktan ka na naman tulad noon. Kaya hindi naman kita minamadali. Take your time. Nalulungkot ako sa nangyayari sa inyo ni Charity pero alam kong darating yung panahon na magkakaintindihan kayo." nakangiting sabi pa nya.

Tumango na lang ako sa kanya. Ayoko na lang magsalita dahil baka magtalo pa ulit kami. Hindi ko kasi alam kung kaya ko pang ibalik yung dating samahan namin ni Charity. Hindi ko alam kung kakayanin ko yon nang hindi nasasaktan.

"Basta bati na tayo?" parang batang tanong ko sa kanya. Ayoko naman kasing pati si Maybelle, mawala sa akin.

Nakangiting tumango naman sya sa akin kaya napangiti na rin ako.

"Hindi naman kita kayang tiisin diba?" nakangiting sabi pa nya.

"O, tapos na yung drama nyong dalawa? Pwede na tayong bumyahe pauwi?" hay nako. Bakit ba etong si Klarisse, parang kabute. Pasulpot-sulpot sa kung saan.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon