AN: Simula ngayon, every 12mn ulit ako mag-uupdate. Yun lang. Pakisabi pala kay Jia Morado, isang year pa. Please? Hindi muna ako UP next season kapag bumalik sya, promise!
Btw, yung mga marunong gumawa ng book cover, pa-pm naman po, magpapatulong lang po sana sa next story. Thanks :*
==============================
PINING'S POV:
"Mukhang maganda yung gising nung isang bata ah, Charlie. Aba'y kumakanta-kanta pa o." inikutan ko lang naman sila ng mata dahil sa narinig ko. Bahala sila, maganda yung mood ko kaya hindi ko hahayaan sirain nila.
"Actually Klangertz, kagabi pa sya ganyan. Hindi ko nga alam kung nakatulog yan eh." tukso pa ni Charlie. Hay nako, go lang. Kebs ko pa rin.
"Bakit kaya? Hmmm. May kinalaman kaya dyan yung eksenang naabutan natin kagabi?" sabay tingin pa sa akin ni Klarisse sa rear view mirror.
Pero tulad kanina, hindi ko pa rin sila pinansin. Busy ako dito sa pag-ha-hum.
"Hindi ko rin alam pero feeling ko, may kinalaman nga yon. So tingin ko lang, hindi na nya maitutuloy talaga yung plano nya." sabi pa ni Charlie.
"Depende yan sa tigas ng ulo at tigas ng puso ng kapatid mo." sabi pa ni Klarisse.
Seriously, wala ba silang ibang pwedeng pag-usapan? Ako na lang ba talaga lagi? Bored ba sila sa mga buhay-buhay nila?
"Sana kung may pag-uusapan kayo, siguraduhin nyong hindi nyo kasama." at pinaningkitan ko sila ng mata.
At syempre, hindi naman sila parehong takot sa akin kaya tinawanan lang nila ako at pinagpatuloy yung pinag-uusapan nila. AY WOW.
"Pero alam mo, kasalanan mo talaga Klangertz eh. Hello, ayun na eh. Malapit na silang magkiss tapos bigla kang sumingit. Dapat hinintay muna nating matapos yung eksena na yon bago tayo umepal." aba at nagsisihan pa ha. Eh pare-pareho lang naman sila.
"Kasi nga, gusto kong maayos muna lahat bago sila kumeme ng ganon. Feeling ko kasi, masyado lang silang nadala dun sa moment. At ayoko naman na pagkatapos nilang gawin yon, bigla silang mag-iwasan ulit." depensa naman ni Klarisse kaya napaisip ako.
Oo nga no? Kung saka-sakali ngang natuloy yon, malamang yun yung magiging reaksyon ko. Tatakbo ako. Tatakbuhan ko yung nangyaring yon. At may point si Klarisse sa pagpigil nya sa kung ano man yung dapat mangyari.
Baka eto na yung tamang panahon para magtanong ako at malaman ko kung ano ba talaga yung totoo. Baka yun nga yung kailangan para matapos na lahat 'to.
At dahil don, hindi ko napansin na tumatango-tango na pala ako kaya napangiti si Klarisse at kinindatan pa yung kapatid ko.
Nag-thumbs up naman sa kanya si Charlie.
"O, nandito na tayo, Pining Garcia. May pupuntahan lang kami ni Akazukin Cha-cha, tapos balikan ka namin dito mamaya, keri?" tumango na lang ako at hindi na nagtanong sa kanilang dalawa. Alam ko rin naman na hindi nila ako sasagutin ng maayos kapag tinanong ko kung saan sila pupunta.
"Joey!" nakangiti naman akong lumingon nang makilala ko yung boses ng tumawag sa akin habang naglalakad ako papunta sa studio.
"Yon!" at hindi na ako nagulat nung niyakap nya ako at nagbeso pa sa akin. Ganyan talaga si Rhian. Nasanay na rin ako sa sweetness nya.
"Si Crushie ba yon?" tanong pa nya sa akin habang nakatingin sa papalayong kotse ni Klarisse.
Tumango naman ako.
