Chapter 33

5.9K 291 24
                                    

PINING'S POV:

"So hanggang kailan ka ganyan?" inirapan ko lang naman si Charlie sa tanong nya. Ilang beses na ba nyang tinatanong yan sa akin ngayong araw? At ilang beses ko na rin syang sinagot na hindi ko alam.

Paggising ko kasi kanina, saka lang nag-sink in lahat-lahat ng mga nalaman ko kagabi kay Charity. Hindi ko alam kung kaya ko bang magpakita ulit sa kanya dahil sa mga pinaggagawa ko. In my defense, hindi ko pa naman alam yung totoong nangyari kaya ko ginawa yon. Ang mali ko lang, hindi ako nagtanong. Instead na sinubukan ko syang kausapin matapos yung narinig ko, mas pinili kong kamuhian sya, lumayo, at baguhin yung sarili ko.

"Hello, may kausap ba ako? Aba, parehong-pareho kayo ni Klangertz na kagabi pa wala sa huwisyo ah." isa pa pala yon. Tulad ko, hindi rin makausap ng maayos si Klarisse ngayon. Kamusta naman kasi na buong buhay mo, alam mong nag-iisa kang anak tapos isang gabi, malalaman mo na may kapatid ka pala sa tatay at lagi mo pang nakakasalubong sa school noon. Kaloka diba?

"Charlie, for the 9th time, hindi ko alam kung kaya kong magpakita kay Charity sa ngayon after ko malaman yung totoo." sagot ko na lang sa kanya dahil alam kong hindi naman nya ako titigilan.

"And you're aware na hindi naman pwedeng mangyari yon dahil una, kasama sya sa circle of friends natin, at sa ayaw at gusto mo, magkikita kayo. Pangalawa, may movie kayo together, dear sister. So, wala ka talagang kawala." sabi pa nya.

"Hindi ko naman sinabing habang buhay ako magtatago sa kanya no! Ang sa akin lang, SA NGAYON. Habang may dalawang araw ako na pwede ko syang hindi makita at makausap, okay sa akin yon. Kailangan ko munang makapag-isip-isip eh." sabi ko pa sa kanya.

"Mag-iisip for what?" ay nako, ayaw talaga akong tigilan sa issue na 'to.

"Kung ano, kung--"

"Kung gusto mo ba talaga yung biglaang desisyon mo kagabi na hindi talaga kayo para sa isa't-isa or nabigla ka lang pala at mas gugustuhin mo pala na maging kayo ulit dahil mahal na mahal mo pa rin sya?" ugh! Bakit ba alam ni Charlie lahat? Pareho silang dalawa ni Klarisse eh.

"I don't know." sagot ko na lang.

"Well, that's okay for me now. At least, hindi mo ipinilit na mas gusto mo talaga yung first option. Dahil eto, sasabihin ko sa'yo ha, makinig kang babae ka. Hindi lahat ng tao, nagkakaroon ng pagkakataon na makilala yung taong mamahalin at magmamahal sa kanila ng totoo. At lalong hindi lahat nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. At ikaw, nasa'yo pareho yon, wag mong itapon lang. Dahil bandang huli, ikaw rin yung magsisisi." seryosong sabi pa nya sa akin.

"Ang hirap kasi, Charlie. All this time, naniwala ako na ang sama-sama nya. Na masaya sya na nasaktan nya ako. Pero baliktad pala, mas nasaktan sya. Na kahit ayaw nyang gawin, napilitan sya dahil gusto nyang maging masaya ako. Na gusto nyang matupad kung ano yung matagal ko nang gusto." malungkot na sabi ko pa.

"She's okay with it. Ang sabi nga nya, as long as alam nyang masaya ka, she'll be okay."

"Pero ang sama-sama ko sa kanya pagbalik ko. At ilang beses kong ipinamukha sa kanya na patay na yung dating Pining at kahit anong mangyari, hinding-hindi na babalik yon. At yung taong yon yung minahal nya. Hindi ako, hindi yung bagong ako." totoo naman diba? Nung isang beses na tinanong sya, ang sabi nya, baka hindi na bumalik yung taong mahal nya. At kung tama nga sila Charlie, si Pining yon, hindi si Joey. So wala na rin sigurong point kung sasabihin ko sa kanya na hanggang ngayon, sya pa rin naman yung nasa puso ko.

"At marami ka pang oras para bumawi diba?" sabi pa ni Charlie kaya napatingin ako sa kanya.

"Bumawi?"

Tumango naman sya sa akin.

"Kung mahal mo talaga sya, ipaparamdam mo sa kanya yon. Tatanggalin mo na yang yelo sa puso mo." sagot pa nya sa akin.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon