AN: Sick AF. Subukan nyong humingi agad ng update after ko ipost 'to, makakatikim talaga kayo sa akin. Huling bala ko na 'to. Di pa ako makasulat ng kasunod dahil naluluha ako kapag nag-oonline. Subok lang talaga! Ge, enjoy!
============================
PINING'S POV:
"Direk, ang boring ng party mo." reklamo ni Klarisse and in fairness, agree ako sa kanya dun sa part na yon. Kanina pa kasi kami nandito pero puro usap at inom at kain lang yung ginagawa namin. Kamusta naman yon diba?
"Tinatanong ka ba?" pambabara naman ni Direk kay Klang.
"Hindi nga. Pero sinasabi ko nga sa'yo yung problema. Sabi mo, team building 'to or party para magkakilanlan yung casts nung movie na gagawin nyo. Eh ang kaso, sa nakikita ko, kung sino lang yung magkakakilala, sila lang yung nag-uusap. Yung hindi nila kilala, dedma. Well, hindi naman siguro dahil ayaw nilang kausapin yung isa't-isa. It's just that, wala kasi siguro silang alam tungkol sa taong yon so hindi nila alam kung ano yung topic nila or kung papa'no nila kakausapin yung taong yon." mahabang paliwanag ni Klarisse at kamusta naman na napaisip si Direk dahil sa sinabi nyang yon.
"Aba, minsan pala may silbi yang utak mo. Gamitin mo kasi lagi sa mga ganitong bagay at hindi sa katarantaduhan. So, ano sa tingin mo yung dapat naming gawin?" sabay-sabay naman kaming natawa sa sinabi ni Direk. At in all fairness talaga dito kay Klarisse, biglang napatahimik yung lahat at parang nakikinig lang sa sasabihin nya.
"Well, Direk, tulad nung sinabi ko kanina, dapat magkakilanlan sila diba? Para kapag nasa set na sila or nagsstart na kayong magshoot, parang friends-friends na sila and hindi ka na mahihirapan diba?" tumango-tango naman sa kanya si Direk kaya proud na ngumiti si Klarisse bago nagsalita ulit. "Tingin ko, tutal, may mga partners-partners naman dito sa mga kasama natin sa party, pwede muna tayong maglaro ng 'How Well Do You Know Each Other'." sabi pa nya kaya taka kaming tumingin sa kanya. Bakit yung larong yon? Bakit hindi na lang hmmm, okay, sige, pakinggan na lang muna natin yung paliwanag ni Klang dahil baka may point naman sya.
"Explain further." sabi lang ni Direk kaya tumango si Klarisse.
"Pagpapartnerin natin sila tapos magtatanong tayo ng mga keme keme--" ayun nabatukan tuloy ni Direk. Kung anu-ano kasing words ginagamit eh. "As I was saying, bago ako batukan ni Direk, maglalaro tayo tapos by partners sya tapos magtatanong tayo and isusulat nung partners yung sagot nila sa isang paper at kapag pareho yung sagot nila, may point sila don. At ang maganda don Direk, malalaman nung iba nilang kasama kung ano pala yung gusto or ayaw ng isa't-isa. At malalaman pa natin kung gaano kakilala nung bawat magpartner yung isa't-isa. Hoo! Ang haba. Pengeng alak now na!" paliwanag pa ni Klarisse at ganun na lang yung ngiti nya nang si Rhian Ramos mismo yung nag-abot sa kanya nung hinihingi nya.
Naiiling na binatukan naman sya ni JT. O, buti nga. Harapan kasi eh.
"May point. Okay sige, gawin natin yan." nakangiting sabi ni Direk.
"At dahil ako yung nakaisip, hindi kami kasali ni Justine. Ako yung host at mag-iisip ng mga tanong." sabi pa ni Klarisse. Sus. Para-paraan.
"Asus, palibhasa, wala syang masyadong alam kay JT kaya ganyan yan. Masyadong makakalimutin yan eh." see? Kay Maybelle na mismo nanggaling yan ha.
"HOY PARROT! Ang kapal mo. May alam ako kay Justine no!" depensa naman ni Klarisse.
"Sige nga, ano yung paboritong pagkain ni JT?" tanong ni Maybelle.
"Duh! Malamang alam ko. Pero dahil kailangan na nating simulan yung game, mamaya ko na sasagutin yan. Hala sige, magpartner-partner na kayo. Direk, kasali ka din ha. Bahala ka kung sinong gusto mong gawing partner." utos pa ni Klarisse at nagulat kami nung sumunod lang sa kanya si Direk at hindi nagreklamo. Ay wow, BATAS.