Chapter 31

5.4K 318 47
                                    

AN: Ang kaisa-isang POV ng pipino. Oh yes, eto lang. Kailangan lang talaga ng magsasalaysay sa kung ano ba talaga yung totoong nangyari noon. So there, masasagot na yung mga tanong nyo.

And yes, si Jennylyn talaga yung nasa isip ko una pa lang na si Charity. At wala kayong magagawa doon. Haha. Tse!

At eto lang yung kinaya ng utak ko tungkol sa revelation of the century so kung hindi na-meet yung expectations nyo, kebs ko, ako pa rin naman yung masusunod eh. Tse!

Ge, enjoy na lang.

================================================================================

CHARITY'S POV:

"Umupo ka dito." I had an idea that this will happen. Nung inilabas pa lang nila yung kapatid ko, I knew that dumating na yung time na sabihin ko sa kanila lahat-lahat. Walang labis-walang kulang.

And I knew that there's no point in arguing with Klarisse so umupo na lang ako sa tapat nya.

"What do you want to know?" I know, I know. Stupid question, right? But I'm the type of person who wants to ask first before assuming. Ayokong makiuso sa mga feelingera at assumera eh.

"Alam mo kung ano yung gusto kong malaman." sabi naman nya so I nodded. Why can't she just ask me directly diba?

"Why do you want to know?" I asked her again. What? Well, we're not friends diba? She even hated me noon, right? Baka nga hanggang ngayon, diba?

She massaged her temple and sighed bago sya nagsalita.

"Andami mo pang tinatanong, pipino. Pero sige, sasagutin ko yan. Dahil ako yung iniyakan ni Pining Garcia nung nangyari yon. Kaming dalawa ni Charlie. I know na may alam si Charlie pero ayaw nyang sabihin sa akin. Ilang beses kong sinabi sa kanya na wag kang pagkatiwalaan pero lagi nyang sinasabi sa akin na magtiwala ako sa'yo." she told me habang seryosong nakatingin sa akin.

I just stared at her to see if she's really sincere in what she's saying. I almost smiled when she rolled her eyes.

"So, ikukwento mo na ba sa akin lahat ng nangyari noon, Charity?" whoa. And this is the first time that I heard her say my name. Hindi pipino at hindi cucumber. She must be really serious, eh? "As in lahat-lahat? Gusto mong maintindihan ka namin diba? Ngayon, ipaintindi mo sa amin lahat." she said habang nakatitig pa rin sa akin.

I'm not sure if this'll be the wisest decision, pero sige, I'll try. Sinabi ko noon kay Charlize na hinding-hindi ko sasabihin yung reason ko pero mukhang wala na akong magagawa. I have to do this. At least, kay Klarisse ko sya sasabihin and hindi kay JP. I don't know kung gugustuhin nyang malaman lahat-lahat.

"Okay." I told her.

"Good." sabi nya while smiling. Naglean back sya sa upuan nya after nyang sabihin yon and then she nodded na parang sinasabi na simulan ko na yung kwento.

"And Charity talaga? Walang pipino? Walang cucumber?" I'm trying to lighten the mood.

"Minsan lang yan. Wag kang umabuso. Game na, kwento na. Dami pang sinasabi."

Ngumiti naman ako at tumango. Klarisse will always be Klarisse and hindi ko naisip na sa lahat ng tao, sa kanya ko talaga ikukwento lahat ng nangyari noon.

Hoo, this is it, Charity. Balikan mo ulit yung isa sa pinakamasakit na yugto ng buhay mo.

---FLASHBACK---

"Saan ka na naman nanggaling at bakit ginabi ka na naman?" pareho kaming natigilan ni JP nung marinig namin yung boses ng Mama nya. Shoot. Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Dapat hindi kami nagpagabi kila Klarisse. Ayan, mababadshot pa ata ako sa future mother in law ko.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon