Chapter 10

5.7K 236 17
                                    


PINING'S POV:

"Tanga ka ba o tanga lang talaga, Pining Garcia?" see? I told you, ganito talaga yung magiging reaksyon nila. Lalo na nitong si Klarisse.

"Hey, Klangertz, stop. That's my sister." sabihin nyo nga sa akin kung bakit sabay kong sinabi kay Klarisse at kay Charlie yung tungkol sa usapan naming dalawa ni Charity?

Well, actually, dapat kay Maybelle ko talaga sasabihin, pero sabi nga nitong pinsan nya, wala daw, nasa shoot daw sya kasama ni JT. At dahil hindi ako makatingin sa kanya ng derecho kanina, hinila nya ako papasok sa bahay nila sabay tawag sa kapatid ko sa skype, so eto, wala na lang ako nagawa kundi ikwento sa kanila.

"Yeah, and why am I not surprised? Like sister, like sister lang ang peg nyong dalawa? And don't you dare say na tama yung naging desisyon ng kapatid mo dahil pag-uuntugin ko talaga kayo!" sabay tingin ng masama sa amin ni Klarisse.

"I didn't say na tama yung decision nya. I know it's stupid pero yung decision nya yon, and hindi sya mismo. So stop saying na my sister is stupid, because she's not. Nagmamahal lang sya." go Charlie, ipagtanggol mo ako dyan sa bestfriend mong katipunera.

"Masasaktan sya, pwede din syang makasakit. At isa pa, wala talaga akong tiwala sa pipino na yan." sabi ulit ni Klarisse. At ako, wala, nanonood at nakikinig lang sa kanilang dalawa.

"Whoa whoa, don't tell me na hanggang ngayon, nagseselos ka pa rin sa kanya. Hello, ASAWA mo na si Justine." napakunot naman yung noo ko dahil sa tono ni Charlie habang sinasabi yon. Pagtingin ko sa monitor, napansin kong malungkot yung mga mata nya. Harujosko, mabuti na lang at sa iba nakatingin si Klarisse kaya di nya yon napansin.

"Nope. Hindi na ako nagseselos sa kanya. Wala lang talaga akong tiwala sa kanya. Masasaktan nya yung kapatid mo, at yun yung ayaw nating mangyari. I mean, NYO." sabay naman kaming napatawa ni Charlie dahil don. Etong si Klarisse, kunwari pang walang pakialam sa akin eh, pero halata naman na concerned sya.

"Same old Klarisse. Wag mo nang itago yung concern mo sa kapatid ko. Okay lang yan, tayo lang naman nakakaalam." sabay kindat pa ng kapatid ko.

"ASA kayo? Pero seryoso, alam ko, at lalong alam MO na masasaktan sya dito." seryosong sabi pa ni Klarisse.

Alam ni Charlie? Bakit?

"Magkaiba yon. Ibang sitwasyon." mahinang sabi ng kapatid ko kaya mas lalo akong na-curious sa kung ano yung pinag-uusapan nila.

"Pareho lang. Nagkaiba lang dahil hindi tulad ni pipino, hindi ako nagtake-advantage sa nararamdaman mo. Nung nakiusap ka sa akin na bigyan ko ng pagkakataon kung ano man yung meron tayo, sinabi ko agad sa'yo na hindi pwede. Na hindi ko kaya. Dahil ayokong sa huli, umasa ka at masaktan ng sobra." whoa. At ngayon ko lang narinig yung ganung tono ng salita kay Klarisse. Kaya pala nya na magsalita ng mahinahon eh.

"Pero nasaktan pa rin ako---"

"Charlize--"

"Stop. Hindi na dapat pinag-uusapan yan. Si Jops at si Charity yung issue dito at hindi tayong dalawa. What I'm trying to say is, oo alam natin na sa huli, there's a possibility na masaktan ng sobra yung kapatid ko, pero let her be. Desisyon nya yan eh, panindigan nya diba? If that'll make her happy, let's just support her." pagbabago ni Charlie sa usapan. Hmm, mukhang may kailangan kaming pag-usapan ng kapatid ko ng masinsinan ah.

"I'm sorry." isa pa ulit na whoa! Si Klarisse? Nagsorry? Aba, iba 'to. "Pero sige, hahayaan ko at hindi ako kokontra sa kanilang dalawa ni pipino, pero sa oras na malaman ko lang talaga na pinaglalaruan nya lang 'tong kapatid mo, lagot talaga sya sa akin!" at sa sinabing yon ni Klang, sabay ulit kaming napangiti ni Charlie.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon