Chapter 9

5.4K 231 13
                                    

PINING'S POV:

"Mango nga ngumini ng monga nyan, imaliwanang mo muna ngung mangen mo ango hinalingan." seryosong tanong ko kay Charity nung sinabihan nya ako na magkita kami dito sa may Luneta. Jusko, feeling ko tuloy ako si Enday at pinag day-off ako ni Ser at Mam.

(Bago ka ngumiti ng bongga dyan, ipaliwanag mo muna kung bakit mo ako hinalikan.)

Nagkibit-balikat lang naman ang bruha. Ay wow, ganun-ganon na lang? Matapos nyang guluhin yung isip at puso ko ng ilang araw. Nainis nga kanina si Charlie kanina habang magkausap kami, lutang daw kasi ako. Kung nasaan daw ba yung isip ko. Di ko kasi alam kung papa'no sasabihin sa kanya yung paghalik sa akin nitong si Charity eh. Alam ko kasing sasabihin nya sa akin na tigilan ko yung kalokohan ko na 'to. Nasabi ko kasi sa kanya na mahal ni Charity si Maybelle kaya yon, sinabihan nya ako na umiwas muna dahil masasaktan lang daw ako kapag naging rebound ako.

"Hini na ango nangingimangmiruan hayo. Nguho ngong hangunin mo ngung mangen mo nginawa yon. Nginawa mo ma yon mara ningnan ngung manghehelo hi Meng? Nginamit mo lang ma ango?" seryoso pa rin na tanong ko.

(Hindi na ako nakikipagbiruan sa'yo. Gusto kong sagutin mo kung bakit mo ginawa yon. Ginawa mo ba yon para tingnan kung magseselos si Meng? Ginamit mo lang ba ako?)

Nakita ko naman na napangiwi sya dahil sa tanong ko na yon. Pero agad din ngumiti bago sumagot.

"I'll never do that, JP. Lalo na sa'yo." nakangiting sagot nya. Yung ngiting alam mong sincere ha.

Pero no, Josephine, wag kang magpadala sa ngiti nya. Wag kang bibigay agad.

"Ho, mangen nga? Mangen marang hini mo ngayang hangunin yon?" tanong ko pa rin.

(So, bakit nga? Bakit parang hindi mo kayang sagutin yon?)

Agad namang nawala yung ngiti nya nang makitang seryoso pa rin ako hanggang ngayon. She sighed sabay iling sa akin.

"Seriously? Hindi ko rin alam. Nagpapaka-playful lang ako nung time na yon pero habang papalapit ako sa'yo, hindi ko napigilan yung sarili ko. Parang may nagsabi sa akin na tama yung ginagawa ko. So yon, tinuloy ko na." paliwanag nya sa akin. "Pero you did something na hindi ko inaasahan." sabi pa nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay sa sinabi nyang yon. Parang alam ko na kung ano yung tinutukoy nya pero hinayaan ko na lang syang magpatuloy.

"You kissed me back. And you didn't try to stop me. Siguro kung pinigilan mo ako, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na ituloy yon." sabi ko na nga ba. Yan din yung naisip ko na sasabihin nya.

Pero tulad kanina, tinaasan ko lang sya ng kilay. Ako pa talaga kasi yung may kasalanan? Maka-sisi sya ha.

"What?" kunot-noong tanung nya sa akin.

"Anong wan?" painosenteng tanong ko.

(Anong what?)

"What's with the pagtaas ng kilay? That's not so you, JP. Wag kang masyadong magsasama kay Klarisse dahil nahahawa ka sa kanya." naiiling na natatawang sabi pa nya.

"Nganaah-naah naman ngahe ng ngilay yung hinami mo. Marang ango ma yung hinihihi mo ngung mangen mo ango hinalingan. Layng heriuly?" may pagkamataray na sagot ko sa kanya. Kala nya ha. Kaya ko din minsan na magtaray no!

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon