AN: Girls, meet Alyana Lopez.
======================================
PINING'S POV:
"Alyana Lopez?!" sabay-sabay na tanong nila Maybelle, Anastasia, at Julia nang makita nila si Yana. Yung iba naman, nakatingin lang sa kanila. Hindi rin naman nila kilala kung sino yung babaeng nasa harap nila ngayon.
Wag nyong itanong sa akin kung saan nakatingin si Charity dahil hindi ko din alam. Hindi ko sya tinitingnan kanina pa. Tinagalan ko nga yung paliligo at pag-aayos kanina para hindi kami magkaroon ng moment together. Hindi ko pa rin kasi alam kung papa'no aakto sa harap nya ngayong alam ko na lahat. And no, hindi ako nag-ayos para sa kanya. Gusto ko lang talagang maging presentable ngayong gabi. Yun lang yon, yun lang talaga.
"Klang, bakit nandito si Alyana? Don't tell me, kaibigan mo na rin sya. Aba, nagiging friendly ka na yata ngayon. Nagbago ka na talaga." komento pa ni Maybelle kaya ayun, nabatukan na naman sya, ayan kasi.
"Eh kung wag ka munang magsalita at hayaan mo muna ako?" mataray na sabi naman ni Klarisse kaya nanahimik naman si Maybelle.
"Girls, I want you to meet my--my--" nakita kong tumingin muna si Klarisse kay JT bago itinuloy yung sasabihin nya."--sister, Alyana Lopez." iba-iba naman yung naging reaksyon nilang lahat matapos sabihin ni Klarisse yon.
Yung iba, napakunot yung noo, tapos sila Angela and Maybelle, parehong nakabukas yung bibig dahil sa pagkabigla at nagpalipat-lipat yung tingin nila kay Klarisse at Yana.
"You've got to be kidding me. Couz, what's this?" takang tanong pa ni Angela nung makarecover sya sa pagkabigla nya.
"Ano yan, inire ni Tita tapos paglabas, si Alyana na?" tanong naman ni Maybelle.
Narinig ko naman na nagsigh si Klarisse bago nagsimulang magkwento ulit sa mga kasama namin. Well, narinig ko na yan kaya umalis muna ako sa salas at nagpunta muna sa may garden. Medyo naiilang pa rin kasi ako sa presensya ni Charity eh. Hindi ko talaga alam kung kaya ko pang mag-act ng normal habang alam ko na ako rin pala yung dahilan ng paghihiwalay namin noon.
Pero nakakailang minuto pa lang ako na nagmumuni-muni dito sa garden nang may maramdaman akong presensya. And no, hindi sya kakaibang elemento, hindi rin sya multo, well, pwede naman nating sabihin pala na multo sya ng nakaraan. Chos!
At base sa tibok ng puso ko, iisang tao lang yung malilingunan ko pagharap ko sa tabi ko.
Naman eh, hindi ba nya napansin na kanina ko pa sya iniiwasan? Hindi ba sya talaga marunong makiramdam? Kaya nga ako umalis don eh para makalayo muna sa kanya tapos bigla syang susunod sa akin.
Ganito na lang kaya, wag ko na lang syang kausapin? Or kunwari hindi ko alam na nandito sya? Or magtulug-tulugan kaya ako? Pero magagawa ko lang naman yon kung hindi sya yung mauunang makipag-usap sa akin diba?
Asa naman ako. Hindi naman sya susunod sa akin dito kung ayaw nya akong makausap diba?
"Hi." dedmahin mo, Joey, dedmahin mo. Kunwari nakatulog ka na lang bigla. Pikit, bilis, pikit.
"Hmm." sabay tango ko pa habang hindi pa rin nakatingin sa kanya. Bwiset, ano yon, Joey? Pinagmumukha mo namang tanga yung sarili mo sa harap nya eh.
Narinig ko naman na mahina syang natawa dahil don pero ayoko pa ring lumingon sa kanya.
"Seriously, JP- Joey, may problema na naman ba tayo? Bigla mo na lang akong hindi pinapansin? May nagawa na naman ba ako?" oo meron. Masyado mong pinatunayan kung gaano mo ako kamahal at dahil don, naisip ko na hindi ko deserve yang pagmamahal na yan.
