Chapter 20

6.2K 270 19
                                    


PINING'S POV:

"Okay, so bago tayo mag-team building, kailangan nyo munang ma-meet yung isa't-isa and kailangan nyong pasadahan yung ibang lines nyo para macheck natin kung okay naman ba yon sa inyo or hindi at kung may kailangan ba tayong baguhin sa mga eksena. Yun yung reason kung bakit pinatawag ko kayo ng mas maaga." napangiti naman ako sa sinabi ni Direk. Yes! Pwede pang baguhin yung eksena.

Pwedeng ipatanggal yung kissing scene. Well, sana pumayag.

Kahapon kasi, kung anu-anong panunukso yung natikman ko galing kay Klarisse. Oo, nung bandang hapon, sya na lang yung nakakausap ko dahil busy si Charlie na kulitin si Pam. Well, at least, kahit nahuhuli ko syang sumusulyap-sulyap pa rin kay Klarisse, may Pamela naman na pwede nyang pagbalingan ng atensyon.

"Charity, tabihan mo si Joey. Bakit ba ang layo mo sa kanya? Aba, isa kayo sa magkapartner dito kaya dapat, lagi kayong makitang magkasama ng mga tao." seriously, Direk? Pati ba naman ikaw? Pero sige, kagabi, naisipan ko na rin na simulan na yung plano ko.

So kahit hindi ako komportable na malapit sa akin si Charity, sisikmurain ko na lang para sa katuparan ng mga plano ko.

At yung isa naman, parang nahihiya pa nung tabihan nya ako. Wow, meron pala syang hiya? Akala ko kasi dahil sa ginawa nya sa akin noon, wala sya talaga non.

"H-hi." nahihiyang bati nya sa akin.

"Hello. Good Morning." nakangiting bati ko naman sa kanya. Ngayon pa lang, pwede na akong gawaran ng Best Actress award. Iba yung kaplastikan ko o.

"Yan. Ganyan." sabay palakpak pa ni Direk. Nakakaloka. "Kayo yung bagong love team na papasikatin ko eh." sabi pa nya.

Tumaas naman ako ng kamay para magtanong. Well, ganun kasi sa klase diba? Malay ko ba kung ganun din dapat sa mga ganito.

"Joey. Hindi mo naman kailangang itaas yung kamay ko kapag magtatanong ka." natatawang sabi ni Direk. "What's your question?"

"Love team, Direk? Eh diba pareho kami na girl? Tatangkilin ba ng mga tao yan? Baka marami tayong marinig na negative comments dahil dyan." tanong ko. Valid naman yung question ko diba? Sa panahon ngayon, maraming makikitid ang utak tungkol sa ganitong relasyon. Nakakalungkot kasi kung paghihirapan namin 'tong movie na 'to tapos mauuwi lang sa wala dahil sa ibang makikitid ang utak.

"Well, nung una talaga, ayokong sumugal para sa movie na 'to. Pero kasi naisip ko, kung hindi kami yung magsisimula para mamulat yung ibang tao sa ganitong klaseng relasyon, papa'no sila maiintindihan diba? Papa'no maiisip ng ibang tao na, Oo nga naman, tao din naman sila na nagmamahal lang. So sabi ko, sige, isusugal ko lahat ng pwede kong isugal, gagawin ko 'to." nakangiting sagot naman nya kaya napatango kaming lahat.

Tama nga naman si Direk. Sa dami ng taong mahilig manood ng mga pelikula ngayon, bakit hindi nga namin sa ganito simulan para mas mas maintindihan nila kami.

"At dahil dyan, napakiusapan ko yung management na makipagtulungan sa kabilang network para makasama natin sa movie na 'to yung dalawa sa mga hinahangaan nating artista na nagbida na rin sa isang teleserye na may ganito rin na tema. So without further ado, Glaiza de Castro, and Rhian Ramos." nakangiting pagpapakilala ni Direk dun sa dalawa pa naming kasama.

Halos matulala naman ako nang biglang pumasok sila Glaiza at Rhian. Oh to the em to the gee! RaStro, Bes. RaStro! Yay! Kapag nga naman sinuwerte ka, oo.

At halos kiligin ako nang bongga nung magkasunod silang bumeso sa akin. Jusko naman talaga. Iba, iba talaga 'to.

"Uy hello tukayo sa palayaw at Yoyon." narinig ko namang bati nung katabi ko dun sa dalawa. Ay wow, eh di sila na yung close. Sus. At yung mga tingin nya kay Rhian, iba ha. Ano 'to, may planong agawin kay Glaiza? Aba naman, may COCO na nga na NAGPAPASAYA sa kanya tapos may plano pa atang landiin si Rhian. Eh di wow, diba? Eh di sya na. Sus.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon