Chapter 14

5.7K 251 14
                                        

PINING'S POV:

"You're aware naman na magkaibigan pa rin sila Maybelle and Charity so there's an 80% possibility that you'll see each other sa party, correct?" eto yon eh. I was dodging this question kanina pa habang kumakain kami at nagkakamustahan.

Nung nasa states ako, I was sure na kakayanin ko ulit na makita sya. Pero nung naalala ko yung mga nangyari, hindi ko na alam.

Pero syempre, kailangang hindi ako magpahalata sa mga taong nakapaligid sa akin na apektado pa rin ako kaya nakangiti akong lumingon kay Charlie.

"I'm aware naman and okay lang naman kung magkikita kami dahil I'm so over her na naman." told her while smirking. Akala nya ha.

"O tamang-tama, ayan na pala si Cucumber eh. Kanina ka pa namin hinihintay na babae ka, ano paimportante talaga?" bigla naman akong napatingin sa kung saan nakatingin si Klarisse habang sinasabi yung mga katagang yon.

At talaga namang kung makikita nyo ako ngayon, namumutla talaga ako na para bang ibinabad ng matagal sa suka.

Nandito sya? Bull, nandito ba talaga sya?

"Gotcha!" natatawang sabi ni Charlie dahil
paglingon ko, wala naman talaga si Charity. Fudge! Bakit ba ganun pa rin yung tibok ng puso ko.

"So much for being hindi na apektado at nakamove on na." komento naman ni Klarisse. Kaming tatlo lang kasi yung nandito sa garden ngayon dahil nag-aagawan pa sa restroom
yung mga kumain ng bi-nake ni Klang na adidas cupcakes. Akala ko joke lang yung sinabi nya kanina pero totoo pala. Buti na lang, naubusan kami ni Charlie dahil sa katawakan nila Juling at Tasing.

"I'm not affected. Duh! I was just caught off guard. I was not expecting her kasi." of course, I have to defend myself diba? I don't want them thinking that I'm still not over that she who must not be named.

"Ay o. Tumuwid lang yung dila at nakapagstates lang, umarte na si Pining Garcia. Ay iba, iba naman talaga yang kapatid mo, C." sabay tawa nila pareho. Hay nako, lagi na lang nila akong pinagkakaisahan.

"Pero are you really sure na you're okay na? As in completely over her na?"

"Yes. Sure na sure na sure na sure. 99.9 %." sabay ngiti na pang toothpaste commercial.

"Ah, dun ako sa sa .1%, Charlie."

"Whatever. I don't care if you don't believe me. Basta as fas as I know, I freaking moved on na." sabay irap ko pa sa kanilang dalawa.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganyan ka na magsalita, Pi- este Joey. Namiss ka talaga namin." singit ni Julia sa usapan namin habang papalapit sya at nakahawak sa bandang tyan nya.

"And I missed you, too. Pero in all fairness, wala pa ring nagbago sa inyo no?" nakangiting sabi ko naman sa kanya.

"Grabe Klang, ano ba talagang nilagay mo don sa cupcakes at nagsisakitan yung mga tyan namin?" reklamo naman ng papalapit na si Maybelle kaya natigil muna yung usapan namin.

"Same ingredients lang naman. Ang hihina naman ng mga tyan nyo. Sus." naiiling na sabi naman ni Klarisse.

"Babe, it's not the same. Sa dinami-dami ng inexperiment mo, ngayon lang sumakit yung tyan ko." sabi naman ni Justine sabay kalong kay Klarisse.

Pasimple ko namang tiningnan si Charlie. Gusto ko sanang matawa nung makita ko syang nakatingin lang sa cellphone nya na para bang may ka-chat dahil nakangiti pa. Sus, mga galawang bitter, chos!

"Aw, sorry Babe. Masyado ka naman kasing
matakaw eh. Pero hmmm, feeling ko, may nakalimutan nga akong gawin dun sa adidas." sabi ni Klarisse na parang nag-iisip.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon