Chapter 36

6.7K 320 39
                                    

PINING'S POV:

"May nabalitaan kami. Meron daw nangharana dyan at muntik na daw magchukchakan." pakantang sabi ni Klarisse kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Narinig ko din yon. May hawak-hawak pa daw sa pisngi, K." nakasmirk na sabi naman ni Charlie.

"Panalo nga daw, sa kanya lang daw! Sumuntok pa nga sa buwan." natatawang sabi pa ni Klarisse kaya natatawang binato ko sya nung cookies na bi-nake nya. Yun lang kasi yung una kong nahawakan eh.

"At sino namang makating dila yung nagkwento sa inyo nyan?" pinipilit ko namang itago yung pagngiti ko dahil naalala ko yung eksena kanina. Fudge, eh bakit ba hanggang ngayon, kinikilig ako?

"So, totoong nangyari nga?" aba at hindi talaga sinagot yung tanong ko.

"Si Rhian no? Si Rhian yung nagsabi sa'yo no, Klang?!" hindi ko rin sinagot yung tanong nila.

"Mas okay nga sana kung si Rhian. Pero kasi, nakwento daw ni Direk kay Justine. Alam pala ni Rhian. Bigay mo nga yung number nya sa akin para makapagchikahan kaming dalawa." sabay ngiti pa ng nakakaloko kaya ayun, piningot ni Charlie. Naks, selosa. Chos!

"Base sa reaction mo, Jops, mukhang totoo nga yung kinuwento ni Direk. So, ikukwento mo ba sa amin or tulad ng dati, si Charity yung pagkukwentuhin namin?" syempre, kelan ba ako nanalo sa kanila? Never naman diba? So wala na lang akong nagawa kundi ikuwento sa kanila yung nangyari kanina.

At habang nagkukwento ako, wala silang ginawa kundi sampal-sampalin ako kapag kinikilig sila, lalo na si Klarisse. Wow ha, ang sweet nya talaga, sobra.

"Alam mo, gusto kong mag-isip yang si Rhian Ramos. Maganda yung plano nya ha. Kailangang ituloy-tuloy yan." ayan, nabigyan pa ni Rhian ng idea ang bruha.

"Ituloy para laging magalit sa amin si Direk?" tanong ko sa kanya.

"Nope. Ituloy yan para naman mapag-usapan namin ng masinsinan ni Rhian kung ano yung dapat gawin." nakasmirk na sabi pa nya kaya ako na mismo yung bumato ulit sa kanya ng kung ano mang mahawakan ko.

"Magseryoso ka nga, K. Baka gusto mong isumbong kita kay JT para sa labas ka matulog." pananakot naman sa kanya ni Charlie kaya wala na syang nagawa kundi sumunod. Yan, good girl.

"Pero seryoso. Dapat ituloy natin yan para mas ma-provoke si pipino. At pag nangyari yon, wala na syang magagawa kundi aminin sa'yo na gusto ka naman talaga nyang maging girlfriend ulit pero nagpakatanga sya kaya kaibigan yung nasabi nya." sabi pa ni Klarisse.

"Papa'no kung hindi naman maging successful? Kung mas lalo syang lumayo at mawalan ng gana sa akin? Aba, halos hindi ako kausapin buong araw eh. Kung hindi ko pa kinantahan, hindi pa ako kakausapin." reklamo ko naman sa kanila. Totoo naman eh, malay ko ba kung biglang yun yung maisip ni Charity diba? Aba, hindi rin natin alam kung papa'no mag-isip yung isang yon no!

"Jusko Cha-cha, bakit hindi mo binigyan ng kahit konting utak yang kapatid mo? Aba'y parang parrot the 2nd lang eh. Hello, Pining Garcia! Hindi naman magrereact si pipino ng ganon kung hindi naman sya talaga nagselos sa ginawa nyo. At sinasabi ko sa'yo, iderecho nyo lang yan ni De Castro at magkakabalikan kayo nyang ex mo." sabi pa ni Klarisse.

"Bakit pa kasi kailangan ng ganyan? Bakit hindi lang sabihin nitong si Jops na mahal pa rin nya si Charity at hindi lang kaibigan yung gusto nya. Mas madali yon diba?" sabi naman ni Charlie.

"Kahit kelan, napakacorny mo, Akazukin Cha-cha. Syempre, dapat may pagkaromantic at may konting dramatic effect yung pagbabalikan nila. Mas magugustuhin yon ng mga viewers ko kapag nag-facebook live ako." sabi naman ni Klarisse kaya sinamaan ko sya ng tingin. Adik na sya? Ibo-broadcast nya talaga yung pagbabalikan namin kung saka-sakali?

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon