Patuloy lang sa pagkanta si Kiann habang kilig na kilig yung babaeng kinakantahan nya!Hmmppff! Feel na feel naman nya! Bitter lang Aeries? Bitter lang?
" Ang ganda talaga ni Kianna ano?" Dinig kong sabi nung isang lalaki sa may tagiliran ko.
" Oo nga! Swerte ng lalaking mamahalin nya. Magnda,sexy,mayaman,matalino at higit sa lahat mabait!" Sang ayon naman nung lalaking katabi nya. Nakita nung lalaking huling nagsalita na nakatingin ako sa kanila. Nginitian ko na lng. Nginitian din naman nila ko.
" Hi Miss. Ngayon lang kita nakita dito..." Tanong sakin nung lalaking nakablack na unang nagsalita kanina. He's cute pero wa epek sakin ung aura nya.
Pero di ko nman siya sinungitan.
" ah...actually it's my first time here."
" You should be with someone.."
" Is that you're way of asking me if I'm with someone?" Hehe si Kuya paraparaan! Nakita ko siyang ngumiti at nahihiyang nagkamot sa ulo.
" Actually..Yes. By the way I'm Rico." He lend me his hand for a shakehands.
Mukha naman siyang mabait kaya I decided to tell him my name.
" I'm Aeries Xandria. But you can call me Aeries anyway." Then I took his hand for a shake.
" Nice name...pretty just like you." I know right! Haha! Ang kapal talga ng muka mu Aeries Xandria!
" Nasan ang kasama mo? Hindi ka nya dapat hinahayaang mag isa. By the way I'm Carlos." Sabi nung isa pa nyang kasama.
" Ahmm.... Actually I'm with -
" She's with me and I didn't let her alone." Pinutol na ni Kiann ang sasabihin ko. He looks serious. Nagulat naman yung dalawa sa pagdating ni Kiann,pero saglit lang at nakabawi na agad sila.
" Kiann pare! Kasama mo pala siya,akala kasi namin wala siyang kasama mag isa lang ksi sya kanina kaya nilapitan namin." Sagot nung Rico.
" Nandito na ko so I think you can leave." Ang sungit naman ng lalaking to! Totoo naman na iniwan nya ko.
" Ah sige pare. Sige Aeries! Nice meeting you!" Paalam sakin ni Rico. Sasagot pa sana ko kaso hinila naman na ko ni Kiann palayo sa kanila. Anong problema nito?
" Ano ba! Magpapaalam pa ko sa kanila tas hinila mo na agad ako. Nakakabastos ka naman!" - ako
" You don't know them. Hindi mo sila kailangang pag aksayahan ng panahon mo." Kiann with his blank expression.
" Nagpakilala sila sakin ng maayos at wala silang ginawa o sinabing hindi maganda kaya hindi mo dapat sila binastos ng ganon! And in case you don't remember you leave me here without any word!" Mahaba kong paliwanag sakanya. Totoo naman na naging mabait sila sakin.
I saw Kiann smirked. And sighed.
" So sila ang mas gusto mong makasama kesa sakin? Ganon ba huh Aeries?" At siya pa talaga ang may ganang magalit ganon? KAPAL talaga ng muka nya! Akala nya katulad ako ng mga babaeng nagkakandarapang mapansin at makasama niya! NO way!
" Grrrr! Mas gugustuhin ko silang makasama kesa s katulad mong sobra sobra ang hangin sa katawan! And let me remind you na ikaw ang nakiusap na makasama ako!" Tinalikuran ko na nga! Akala nya sakin!? Hmphhff!
Dere derecho lang ako sa paglakad nang maramdaman kong may humila ng kamay ko. Paglingon ko... Huh!? Si Kiann? Ang bilis naman nya. Ano siya nagteleport? Malayo layo na rin kasi ang nalalakad ko. Yeah! Pag galit ako sobrang bilis ko maglakad.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...