Foundation Day...
Grabe! Ang saya saya naming lahat kasi nagbunga lahat ng pinaghirapan namin. Kahit na mas naghirap yung mga kaibigan ko.. Haha..
Nanalo yung booth namin as most Unique and decorative booth. Kami din ang nanalo sa most creative ideas. Kasi naman ang dami naming navictim, hindi sila aware na victim na sila. Kahit nga ako at si Kiann navictim din, but I smell something fishy sa pagkakahuli naming iyon.
Flashback...
Masaya kong binuklat yung bago kong librong biniling pocket book don sa stories booth.
Nakaupo ako sa isa sa mga bench malayo dun sa field kung san ginaganap yung Foundation Day.
Nagulat na lang ako nung makita ko si Kiann na naka earphone habang nakapikit. Medyo umaalog alog pa nga yung ulo nya, sign na sumasabay siya sa beat ng tugtog. Wala naman sa sarili akong nangalumbaba sa mesa at pinagmasdan si Kiann.
"Grabe ang gwapo talaga niya. At ang tanga ko talaga. " nasabi ko sa sarili ko.
Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. Naramdaman niya sigurong maY nanonood sa kanya. Nahuli tuloy akong pinagmamasdan siya.
Tinanggal nya yung earphone nya sa tenga niya tsaka tumayo at lumakad papunta sakin.
"God! Lalapit siya.. Anong gagawin ko? " Kinakabahan kong usap sa sarili ko.
"Hi! Kanina ka pa dito? " nakangiti nyang tanong. Sabay upo sa upuan sa tapat ko.
"Hi-Hi! Ahmm.. Hindi naman masyado. Ikaw ba? "
"siguro mga 30minutes na.. " Napadako siya sa hawak kong pocket book.
"so pocket book lover ka pala.. "
"Ah.. Hehe.. Oo. Actually book lover ako. Naku pag nakapasok ka sa room ko PAra kong may mini library sa dami ng libro ko. "
"Parang gusto ko nga pumunta sa room mo... With you...." He said while staring at me intently.
"Hu-huh? " Gosh! Namumula yata ko. Ano bang sinasabi nito si Kiann.
"To look at your collection of books. Kung ano ano bang mga binabasa mo.ngayon ko lang nalaman na book lover ka pala. " medyo naka smirk na pag papatuloy ni Kiann sa sinasabi nya.
AYan Aeries XanDria! Pahiya k no!? Green minded ka kasi masyado!
"Ah.. Ha.. Hehe.. Hindi naman masyado madami yon. Mga ilang discovery books at novel lang yung mga naandon. " Para na kong tangang nagpapliwanag kay Kiann. Nag iinit yung pisngi ko..
"You're blushing.. " Shocks! Napansin nya!
NApahawak tuloy ako sa mukha ko.
"Huh? Oo ay hindi pala... Ahmm.. Ano.. Mainit.. MAinit kasi.. YUn yon! .. MAinit kaya ako namumula.. HIndi ako nagbablush no.. Ano ka ba. Tsaka nakablush on ako.. Oo tama. Dahil s blush on. " tuloy tuloy kong salita.
NApapikit ako dahil sa kahihiyang sinasapit ko ngayon sa harap ni Kiann.
Nakita ko naman siyang nakangiti at tila nahihiwagaan sa ikinikilos ko.
"VICTIM!... "
Nagulat kami ni Kiann ng biglang sumulpot sila Erick, Wendy, Nikka at Pochollo.
"What? " ako and Kiann.
Lumapit sila sa mesa kung san kami nakapwesto ni Kiann. At sa ilalim non ay kinuha nila ang isang maliit na papel na may hugis puso at may letter V. Ibig sabihin saamin ngang pakulo iyon.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...