" What do you mean?" Tanong ko kay Emily kahit alam ko naman kung ano iyong sinasabi niya.
"Do you really want me to tell you what happened that night? "
" Walang nangyari samin ni Kiann for Goodness sake Emily! Oo nagkasolo kami sa condo niya pero walang nangyari samin. Isa pa dati naman natulog na din ako sa condo ni Kiann still walang nangyari samin." Hindi ko alam bakit labis labis yung kaba ko. The way I looked at Emily I know she knew something. Pero wala naman talagang nangyari samin.
"Walang nangyari pero muntik may mangyari? Am I right Aeries?" Natigagal ako sa kinatatayuan ko. Para kong itinulos. How does she know? Sa sobrang tapat ba ni Kiann kay Emily nasabi nya pati yung pangyayaring iyon?
" Bakit hindi ka makapgsalita huh Aeries? Tama ako hindi ba? At bakit hindi mangyayari ang lahat ng iyon kung hindi mo din ginusto,kung wala ka talagang ibang feelings for Kiann aside from being friends. " Sinasabi iyon ni Emily habang dahan dahang lumalapit siya sa pwesto ko. She's smirking yet she looked satisfied and happy?Totoo? Naghahallucinate na ba ko dahil sa kaba?
" Did I caught you off guard huh Aeries?"
" Nakainom kami non Emily. Maybe nadala lang kami ng init ng katawan. Fine oo we kissed! Pero wala talagang ibang nangyari samin Emily. I'm sorry. Believe me." I am crying.
" Bakit ba hirap na hirap kang aminin yung totoo huh Aeries?bakit ba kailangan mo laging magsinungaling sa sarili mo? Ano bang iniingatan mo?yung image mo? God Aeries! Yung totoo lang ang hinihiling kong sabihin mo sakin! Sinasabi mo nakainom kayo,pero hindi kayo lasing. Alam nating lahat sa barkada ang kanya kanya nating tolerance sa alcohol. Sa kwento ni Kiann hindi ka pa lasing dahil naka 3bote ka lang meaning alam mo lahat ng ginagawa mo at nasa matinong pag iisip ka pa katulad ni Kiann during that night. So bakit kailangan mong magsinungaling? You almost give your purity to Kiann consciously!"
Kwento ni Kiann....
Ibig sabihin umamin sa kanya si Kiann. Ganon siya kamahal ni Kiann para aminin ang isang malaking kasalanan and still tanggap pa din siya ni Emily. Ganito kaginto ang puso ng babaeng nasa harapan ko ngayon?Is this the reason why Kiann really love her? Ano pang laban ko?
" Aeries!Speak up!My God!" Emily shouted at me. Holding my shoulders.
" Fine!Oo mahal ko si Kiann! Mahal ko siya noon hanggang ngayon. Minahal ko siya ng hindi ko namamalayan. Na akala ko for friends lang yung feelings ko for him pero nung nawala siya sakin dun ko unti unting narealized lahat." I shouted back at her.
Her face expression became blank. Hindi ko alam kung galit ba siya or ano. Pero chance ko na to,bahala na kung tanggapin nya pa ko bilang kaibigan at least nagpakatotoo na ko sa sarili ko.
" I'm really sorry Emily.Pinigilan ko naman yung feelings ko eh. Pero hindi ko kinaya. Ang laki kong tanga na pinakawalan at sinaktan ko yung lalaking nagmahal sakin unconditionally. Nung dumating ka sa buhay niya at nakita ko kung paano ka niya alagaan at ituring na Prinsesa?dun ko narealized lahat. Sinabi ko sa sarili ko na dapat ako yung nasa pwesto mo. Ako dapat yun Emily yung nandyan!yung nakakaramdam ng ganyang saya,ako dapat yung nasa posisyon mo hindi Ikaw!"
Sumandal ako sa pader na para bang dun humuhugot ng lakas para sabihin lahat ng nasa saloob ko.
" Alam ko namang wala kong karapatang sabihin yun sayo kasi ako yung tanga. Ako yung nagpabaya. Kaya nga pinigilan ko yung feelings ko eh. Lumalayo ako pero ano?nakipag kaibigan ka sakin tinanggap ko at ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako gagawa ng kahit anong pwedeng ikasira ng friendship na meron tayo. Tapos eto,may text message ka pa sa boyfriend mo na sana bumalik kami sa dati? Ang tanga mo din eh no? Ganon ka katiwala kay Kiann?Kung ako yun baka ni kausapin siya ng ex nya ikakagalit ko. Pero ikaw?iba ka eh. Sobrang bait mo kaya siguro hindi ako magtataka kung bakit sobrang mahal ka ni Kiann. Kung bakit mas minahal ka niya kesa sakin. Im sorry. Pinilit kong kontrolin pero hindi ko kinaya nung umalis ka. Inisip ko na chance ko pansamantala para iparamdam sa kanya na minsan minahal ko din siya kahit hindi niya alam. Na kinain ko lahat ng sinabi ko sakanya noon. Pero don't worry, matagal ko ng tanggap na ikaw ang mahal niya.ang prinsesa nya at hindi ako." I sincerely explained. Parang lumuwag din yung pakiramdam ko after kong masabi lahat yun.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...