Chapter 32: Confession

146 3 2
                                    

Pagdampot ko pa lang ng roller para ipagpatuloy ang ginagawa ko, bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ni Wendy at iniluwa nito si Gladys. Sabay kaming napalingon ni Kiann.

" Oh Gladys. Kamusta si Girly? " Si Kiann ang unang nagsalita.

" Okay naman. Medyo normal na yung hemoglobin nya. Akala ko nga lumala yun pala she's starting To recover. " Masayang sagot ni Gladys.

Tumulong samin si Gladys habang wala pa yung apat. Maya maya si Joshua naman ang dumating.

" O dude, kamusta lakad? " Tanong ni Kiann.

" The usual pre. May bago pa ba?"

Nagkibit lang ng balikat si Kiann.

" Tulungan ko na kayo." At nagsimula na ngang tumulong si Joshua.

Malapit na naming matapos ang pagpipintura sa kwarto ni Wendy ng sunod sunod na dumating yung apat. Nagulat pa sila ng makita sila Joshua at Gladys.

Napuno na naman kami ng tawanan at asaran. Pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko yung naganap samin ni Kiann. Lalo pa ngayon na todo asikaso nya sakin. Yung asikaso nya sakin noon parang nadoble pa. At hindi mawala wala ang mga ngiti ni Kiann sa labi nya. Lalo na pag tumitingin siya sakin lalo tuloy nananariwa sakIn yung mga nangyari samin kanina.

" Parang sobrang saya mo yata ngayon Kiann? Nawala lang kami saglit abot langit na yang ngiti mo."Tanong ni Erick kay Kiann tsaka siya bumaling sakin ng tingin pabalik ulit kay Kiann. "May nangyari ba habang wala kami?" Nakangisi nyang tanong.

" Wala naman. Masama bang maging masaya?" Patay malisyang sagot ni Kiann.

" Pero laging may dahilan pag masaya ang isang tao, pag my masaya may nagpasaya."  Matalinhagang sabi naman ni Drake.

" Ano Joshua? " Baling ni Pochollo kay Joshua na para bang alam ni Joshua ang nangyayari.

Joshua just shrugged his shoulders saka tumingin saming dalawa ni Kiann.

" Naku! Ayaw magsalita ni Joshua, alam naman nating lahat na sa ating apat si Joshua ang mas nakakakilala kay Kiann. Paghinga pa lang nyan alam nya na kung anong iniisip ni Kiann." Komento naman ni Erick.

Tumawa lang si Kiann. Hindi ko tuloy alam kung san patungo yung conversation nilang yun hanggang sa maya maya ako na ang kinukulit nung tatlo dahil ayaw nga magsalita ni Joshua.

" Wala nga. Ang kukulit nyo naman." Sabi ko na lang sa kanila.

" Eh bakit namumula ka Sis? " Si Nikka naman sumingit pa. Di pa rin ako nagsalita.

Lumapit sakin si Kiann sabay akbay. " Tigilan nyo na nga si Aeries, pag sinabi naming wala,  meron yun. " Napalingon ako sa sinabi nyang iyon. Pinanlakihan ko siya ng mata pero kinindatan niya lang ako.

Lalo tuloy napuno ng kantiyawan sa condo ni Wendy. Natigil lang iyon nang dumating ang delivery ng mga furnitures and painting na inorder pa ni Wendy from France. 

Gabi na rin ng matapos naming pinturahan yung buong unit ni Wendy. Bukas mga furnitures na lang ang iaayos namin, fully furnished naman na kasi yung unit at pinasadya ng papa ni Wendy na wag papinturahan yung unit dahil si Wendy nga ang bahala doon. Buti na lang weekend ngayon at walang practice ng basketball kaya ok lang na ipagpatuloy namin yung condo ni Wendy.

Inalalayan akong bumaba ni Kiann mula sa motor niya. Inalis nya sakin yung suot kong helmet at pagtingin ko sakanya nanlambot nanaman yung tuhod ko! Ayun na naman kasi yung pamatay nyang ngiti na parang mas gumanda yata ngayon. Naalala ko nanaman tuloy yung kanina.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now