XANDRIA'S P.O.V
It's been 4 days since Emily arrived. And since that day nahalata kong medyo lumalayo siya sakin ngayon. Halos hindi niya ko pansinin pag nasa hide out ako. Naging extra sweet din siya kay Kiann at hindi nya na rin hinahayaan na asikasuhin ako ni Kiann.
Naalala ko pa isang araw pumunta samin si kiann para sabihing pinuputol nya na yung deal namin about sa pagsasanay kong umangkas ulit ako sa big bike nya. Nagdemand daw kasi si Emily na ihatid sundo siya gamit yung big bike ni kiann.
So sino ba naman ako para tumanggi hindi ba? Isa lang akong hamak na kaibigan na may lihim na pagtingin sa dating lalaking sinaktan ko.
Pakiramdam ko biglang nagkaroon kami ng invisible wall ni Emily sa pagitan namin. I missed her sweetness and caring for me. And I also missed Kiann. Mali mang sabihin at isipin but I'm missing him.
Humigit muna ko ng malalim na hininga nang makatuntong ako sa tapat ng pintuan ng hide out. Tumawag sakin kanina si Emily at nakikipagkita sa hide out. Wala kong mahagilap ni isa kila Gladys,Wendy at Nikka kaya nagdecide akong mag isang pumunta dito. How I wish na naandito si Kiann.
Pinihit ko na ang seradura ng pinto at pumasok. Tahimik ang buong paligid,hindi mo mababakasang may tao sa loob ng munting bunggalong iyon.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kabahayan at don ko nakita ang nakaupong si Emily. Nilapitan ko siya pero hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng kaba just by looking at her. Dahil ba guilty ako sa isang kasalanan ko sa kanya?
" Hi Aeries!I'm glad at pumunta ka. Sabi kasi nila Nikka you're so busy daw this day eh." Emily started as she kissed me on my cheek.
"Huh?ah oo..mejo busy nga. Ahmm...anyway ano ba yung pag uusapan natin? Parang ang seryoso masyado huh kasi dito pa tayo mag uusap tas tayong dalawa lang talaga?" Derederetso kong salita,pakiramdam ko kasi kinakain ako ng kaba ko.
Emily looked at intently and seriously.
"Yeah..sobrang seryoso nito Sis. And I want you to be honest....this is about Kiann."
Parang sasabog yung puso ko ng marinig ko pangalan pa lang ni Kiann. Nakakahalata na ba siya na may gusto ako sa boyfriend niya?God! Anong gagawin ko? Nakakahiya. I still need to compose myself. I smiled and bravely faced her.
" Ahhmmm..Yeah. Sure. What about him?"
Hinawakan niya yung kamay ko at iginiya ako paupo sa sofa.
" Aeries... I know you know how much I love Kiann don't you? His my Prince. My one and only Prince..." Emily started.
Shocks! Parang alam ko na pupuntahan nitong pag uusap na to. Does she know?
" Of...of course I do Emily..di..di ba noon pa naman? Kahit nung hindi pa tayo magkaibigan mahal mo na si Kiann.. Lahat naman ng nag aaral sa university na to alam yon."
" This is not about kung kailan nagsimula ko siyang mahalin at kung sino pang ibang taong nakakaalam na mahal ko si Kiann. Aeries....I want you to be honest with me. As a friend.."
Ito na ba yun? Iko confront mo na ba ko Emily?
" Mahal mo ba si Kiann Aeries?" Natigagal ako sa deretsahang tanong ni Emily. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko naghihintay ng sagot. Kailangan kong sumagot!
"Of... of course not..hehe..A..ano ka ba naman Emily. Anong tanong yan. Alam mo naman na si Axel yung mahal ko noon at noon pa man." Wow! Great Aeries ang galing mo magsinungaling.
But I saw dis appointments on Emily's face and hatred?
"Really? So rebound,panakip butas lang pala ang ka...I mean ang Kiann ko? My Prince,huh Aeris?"
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...