XANDRIA'S P. O. V
" Hey! Don't you even dare to climb that stairs. " Napahinto naman ako sa pagtapak sa baitang ng hagdanan nang marinig ko yung mga salitang iyon.
Napalingon ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.
"You might fall. Lampa ka pa naman. "
Lumapit siya at kinuha ang mga papel na hawak ko na dapat ay ididikit ko na sa mataas na parte ng booth namin.
Malapit na kasi ang foundation day sa school at kanya kanya ng pakulo dagdag pa na may papremyo ang may pinakamagandang booth at unique na pakulo. Pumayag din ang school na magbabarkada ang maging magkakagrupo kaya kaming tropa ang magkakasamang gumagawa.
" Here, just put a plastic cover para di mabasa kahit umulan. " Binigay niya sakin yung mga iba't ibang klaseng pictures na ididisplay sa booth namin.
Victims photo booth kasi naisip namin. May mangbibiktima at habang binibiktima sila kinukuhaan sila ng pictures ng hindi nila alam. At pag nareveal na nabiktima sila kukuhaan ulit sila ng disenteng litrato.
Napatingin naman ulit ako sa nag utos sakin. Ganon ba ko kalampa?
"Don't look at me like that. I am just concern okay? " pinisil nya yung baba ko tsaka siya ang umakyat sa hagdanan at pinaGpatuloy ang dapat sana ay gagawin ko.
Napasunod na lang ako sa kanya ng tingin.
" Uuuuuyyy..Concern daw siya sayo. Hehe! " Nagulat pa ko ng sundutin ni Nikka yung tagiliran ko.
Pagtingin ko, tatawa tawa yung bruha.
"Nikkajane! " suway ko sa kanya.
"Kilig ka naman! "
" isa pa NikkaJane! "
" Okay.. Shut up na nga ko. " at tuluyan na nga niya akong linubayan.
Napatingin naman akong muli sa mga litratong hawak ko at sa lalaking nagbigay nito sakin.
Apat na araw ng wala si Emily, at yung mismong araw ng Pagkawala niya ay sabay namang ina announce yung contest at groupings sa booth. Nakaisip nga agad kami ng idea kaya inumpisahan din namin agad at pang apat na araw na nga namin ngaYon.
At dalawang araw na ding nag iba ang pakikitungo ni Kiann sakin. He seems to care and protective. Parang tulad lang noong okay pa kami, though hindi 100% na kapareho dahil noon para kaming lovers.
"Ay! " napapikit ako matapos ng sigaw na iyon.
Pagdilat ng mga mata ko, nakahiga na ko at nakaibabaw sakin si Kiann. Napatitig ako sa mata niya, then sa ilong, patungong lips nya.
God! How I missed his lips!
"Eherm.. " Pagkarinig ko non parang don lang kami natauhan ni Kiann. Matagal na pala kami sa ganoong posisyon.
Tumayo mula sa ibabaw ko si Kiann at saka naman niya ako itinayo sabay ng pag pagpag niya sa mga binti at kamay kong slight lang namang nadumihan.
"Ahmm.. kiann ok na. Salamat. " Napapahiya kong pigil sa kanya. May kung anong boltahe kasi ng kuryente yung gumagapang sa katawan ko.
Itinigil naman niya ang ginagawa niya pero iginiya naman niya ako sa upuan at pinaupo doon.
" Ano ba kasing iniisip mo? Hindi mo ba nakita? It's just in front of you! " He asked.
Napayuko naman ako. "Sorry".
Ano nga bang iniisip ko?
"Tsk tsk. It's okay. Atleast you're safe. Magpahinga ka muna. Baka pagod lang yan. Here take a drink." Iniabot nya sakin ang isang bottled water at uminom naman ako.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...