Chapter 61: Regrets

129 0 0
                                    

KINABUKASAN...

Nakaharap na ko sa life size mirror ng kwarto ko to check if ok na yung image ko.

Simpleng skinny jeans at croptop lang ang isinuot ko plus piNartneran ko ng sneakers. Light make up at nakalugay lang ang buhok ko. Nagbaon na lang ako ng ponytail in case kailanganin.

Now that I'm satisfied with my looks bumaba na ko to see Mommy. And I saw her in the kitchen preparing fOr breakfast.

"Oh iha. Halika na kakain na tayo, pababa na din ang daddy mo. " Masiglang bati ni Mommy while putting the bacon at the table.

I just picked a slice of tasty and faced mom.

"I'm sorry Mom actually late na nga ko kasi maaga usapan namin ng barkada, manlilibre daw kasi si Kiann ng breakfast. Nagtxt sakin kanina si nikka. " While chewing.

"So hiNdi ka sasabay samin ng Daddy mo magbreakfast? "

"I'm sorry Mom. Tomorrow morning promise sabay sabay tayong magbebreakfast. "

Mom smiLed and just nodded. So I kissed her on her cheek.

"Xandria naandyan na yata ang sundo mo. "

I heard Dad while going downstairs.

Medyo kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang susundo sakin.

"Parang may napansin kasi kong pumarada sa labas ng gate natin na big bike. "

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi kaya si Kiann yun at sinusundo ako?

"Pero hindi din ako sigurado, medyo lampas din kasi sa gate natin yung parada eh. "

Nalaglag tuloy ang balikat ko. Ano ba Dad? Binibigyan mo naman ako ng false hope eh!

Tsaka bakit naman ako susunduin ni Kiann? Wala namang reason at friends lang naman kami ulit hindi nya ko responsibilidad na ihatid sundo. Haissst...

"Talaga ka Daddy! Hay naku mauuna na nga po ko malalate na po ako. Bye mom, bye Dad. " Paalam ko sa kanila sabay halik.

Paglabas ko ng pinto nakaparada pa rin yung car namin at hiNdi pa napapaistart ni Mang Ernest hiNdi tulad nung usual routine nya.

Nagpalinga linga ako pero hiNdi ko naman siya makita. Hanggang sa may napansin akong parang ulo sa tapat ng gate namin.

Parang si mang Ernest nga yung nakikita ko at habang papalapit ako nakumpirma ko ngang siya iyon at may kinakausap sa labas ng gate.

Handa na kong magreklamo kay Mang Ernest ng pagbukas ko ng gate....

"Kiann?.. "

"Hi! Goodmorning! "

"Goo-good morning din. A-anong ginagawa mo dito? " Shocks! Bakit ba ko nabubulol?

Kiann shrugged his shoulders then smile.

Shemay! Ang gwapo! Nanlalambot ang tuhod ko!

" Sinusundo ka. "

Totoo? Sinusundo nya ko? Sabi nya sakin kagabi see you tomorrow pero hiNdi ko iniexpect na susunduin nya ko.

Binibigla mo naman ako Kiann eh!

" Shall we? " Nakangiti pa din niyang turan.

Napatango na lang ako sa sobrang pagkabigla ko.

Nagulat pa ko ng isuot nya sakin yung helmet na gamit ko din kagabi.

Sumakay na siya sa big bike nya saka ako naman ang sinenyasan nyang sumakay na.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now