Chapter 54: Chaos 2

109 1 0
                                    

"Bakit Kiann? Ayaw mong malaman nila ang totoo? " Tila nanghahamong tanong ni Roann.

" Tama na. " sagot ni Kiann.

"Ayaw mo lang malaman ng lahat kung anong klaseng babae si Aeries! Bkit ba pinoprotektahan mo pa rin siya? Hindi bat pinagpalit ka niya kay Axel? Kasi malandi siya! Makati siYa! Hindi siya makuntento sa.....

"Sinabi ng tama na eh! " Putol ni Kiann sa sinasabi ni Roann. Tumitig din siya dito ng pagkatalim talim na siyang ikinatakot ng babae.

"Wala kaming dapat ipaliwanag sa inyo! At ikaw! (turo kay Axel). HIndi pa tayo tapos! " Tumalikod na siya at laking gulat ko ng hilahin niya ko palayo sa mga taong nandoroon.

Napahinto kami ng muling magsalita si Axel.

"Maybe Aeries didn't enjoyed me as much as she enjoyed you kaya pinalalabas niyang binalak ko siyang pagsamntalahan. Siguro nga mas magaling kang humalik at mas magaling ka sa kama kaya nahuhumaling ang mga girls sayo. YUn siguro yung inilamang mo sakin. Mas gusto ni Aeries yung mga wild pagdating sa kama kasi wild din siya. Hahaha! "

Nagulat ako ng pumihit ulit paharap kay Axel si Kiann at sinugod ulit ito ng suntok. Nagulat din si Axel kaya nasapul naman siya sa mukha. Napigilan naman agad siya ng barkada.

"Gago ka! Huwag na huwag mong itutulad si Aeries sa ibang mga babae dyan! Hindi siya basta bastang babae lang! "

"Siguro nga. Kaya nga siguro hindi ko rin siya mapakawalan, kaso.. Nauna ka na pala ano pang mahihita ko?"

Nagimbal ako sa narinig ko. Ibig bang sabihin virginity ko lang ang habol ni Axel kaya niya ko binalikan?

"Wala kang kwenta!ngayon alam na ng lahat kung anong klaseng lalaki ka! AT kahit kailan lamang talaga ko sayo at hindi ka kailanman hihigit sakin o lalapit man lang! DAhil ang isang pag iisip na meron ka ay hiNdi dapat hinahangaan! "

"Sabihin mong gusto mong sabihin Kiann pero hindi non mababago ang katotohanang ikaw ang sumira sa pangalan ni Aeries ng araw na dalhin mo siya sa lugar mo at pagsawaan. Tsk tsk! SAyang... Ni hindi ko man lang nahawakan! SWerte mo dude! Masarap ba? Pwede bang ipatikim mo nmn sakin lalo kasi kong natatakam! "

"Tarantado ka palang talaga eh! "

Nagulat ako nang kusang bitawan nila Joshua si Kiann na kanina lang ay inaawat nila. Tuluyan na ngang nAgsuntukan ang dalawa at ibang mga estudyante na ang umawat sa kanila.

"Hayop ka! Hinding hiNdi ako makakapayag na bastusin mo si Aeries ng gAnon! Kahit sino sa inyo!"Humihingal nyang turan habang tumingin sa lahat.

Ipiniksi niya ang katawan niya dahilan para bitawan siya ng mga umawat sa kaniya.

"Mali kayo ng iniisip nyo! Oo nagkasama kami sa loob ng tatlong araw pero isinusumpa ko sa ngalan ng Diyos na walang nangyari sa amin! Kahit ikamatay ko pa ngayon ang pagsasabi sa inyo nito mapatunayan lang na hindi ganong klaseng babae si Aeries... Karesperespeto siya! Siya ang babaeng inihaharap sa altar. "

"...Iginagalang ko siya! Iningatan na parang isang mamahaling kristal at ipagtatanggol ko siya sa sinomang mananakit sa kanya! Kaya ikaw! (kay Axel) hinding hindi ko papayagang bastusin at lapastanganin mo siya ng ganon ganon lang! Hinding hindi ako makakapayag na saktan mo ang PRINSESA ko! "

Natigagal ako sa lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko inaasahang ipagtatanggol niya ko ng ganoon katiNdi.

"Kiann... " Napabaling kaming lahat sa pinagmulan ng tinig na iyon.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now