Chapter 17: The Pictorial

166 3 0
                                    

Hindi na kami nagkita pa ni Aeries kahapon after sa Cafeteria,nanghinayang naman tuloy ako. Pero ngayon sigurado kaming magkikita kami after class dahil sa practice namin ngayon ng basketball.

Hindi nga ko nagkamali dahil ilang minuto pa lang kaming nag wa warm up nakita ko na siyang pumasok ng court kasama si Nikka. Ito namang si Pochollo nagningning na ang mga mata pagkakita kay Nikka. Hindi ko alam kung tinamaan nga talaga siya kay Nikka o nagcoconcentrate lang siya para makuha ang huli. Lately kasi hindi ko na napapansing nagiging busy siya sa mga babae nya.

Paglingon ko ulit saknya sakto namang nagtama yung mga mata namin....then she smiled and that feeling again! Yung parang tinatambol yung puso mo. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito,palibhasa di naman nya ko dati nginingitian kaya siguro ganon.

Nakita kong pumunta siya sa bench namin tas naglabas siya ng camera at nagsimulang kumuha ng mga pictures. After namin magwarm up lumapit siya kay coach Reg at nakipag usap. Maya maya pa tinawag kaming lahat ni coach at pinahilera.

" Guys Ms. Wong is going to take pictures of you. Just listen and obey on her instruction. Am I clear?" Paliwanag samin ni coach Reg.

Nahati kami sa ilang grupo. Una yung mga pioneers muna sumunod kaming mga next batch tapos yung huling mga nakasali sa team....sila Axel.

Habang kinukuhanan sila pakiramdam ko hindi komportable si Aeries lalo na pag nagbibigay siya ng instruction kay Axel.

After ng sa newest members kaming first five naman.

" Bakit kami ulit? Diba nakuhanan na kami kanina?" Tanong ni Erick. Hate nya talaga ang kinukuhanan siya ng litrato,ewan ko ba kung bakit pero wala naman akong nakikitang masama sa kuhaan ka ng litrato. Siguro kasi nga mahilig din ako sa photography.

" Erick iba yung kanina. Kanina second batch ang piniktyuran ko. This time first five lang. Meaning kayo lang lima one by one." Nagkamot na lang sa ulo si Erick tsaka pumwesto. Pagkatapos naming lima isa isa naman kami pero tulad ng sabi nya kaming first five lang.

" Hmmp! If I know tactics nya lang yan para makuhaan nya ng souvenir yung first five. Lalo na si Kiann." Sadyang pinarinig yun ni Emily pero nag smirk lang si Aeries.

" Oo nga! Kunyari pa siya pero gusto nya rin naman si Kiann!" Dugtong pa nung alipores ni Emily,si Iya.

" Okay...thanks Cholo. Drake your turn. Just hold the ball with your two hands pointing to your chest. That's it! Good." Sunod sunod na command ni Aeries. And she's smiling.

" Aeries may tanong lang ako pwede?" Drake asked.

" Okay. What's that?"

" Camera ba ko?" Anak ng pota! Huhugot pa yata tong kumag na to.

" Huh!?" Imbes na sumagot si Aeries nagtataka siyang nagtanong pabalik.

" Tsssk. Sana camera na lang ako para sa tuwing makikita mo ko kusa na lang lalabas ang magaganda mong ngiti bow....Kiann! Hehe!" Sira ulo talaga tong Drake na to! Humugot nga pero ako nanaman ang ginawang subject!

" Sira ulo!" Binato ko nga ng bottled water.

" Kahit kailan ka talaga! Umalis ka na nga jan. Joshua your next." Sabi ni Aeries. And God! She's smiling while talking. First time nangyaring humugot si Drake para sakin pero di siya nainis!

Ako na ang sumunod na kukuhaan nya.
" Ayiee! Si papa Kiann na next"

" Ang pogi mo Kiann! I love you!"

" Go Kiann! Gandahan mo post kukuhanan din kita."

" Go Aerkiann! After mo kayo naman ni Aeries bagay talaga kayo. Ayiee."

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now