Kiann's P. O. V
" Ano sa tingin mo gagawin ni Aeries Kiann? " Tanong sakin ni Drake.
Tinatanong niya sakin kung ano sa tingin ko ang gagawin ni Aeries matapos nyang malaman na biktima lang ng maling nakaraan sila Nikka at Axel.
Sa totoo lang gusto kong wala siyang gawin. Well... Pwede siyang makipag ayos kay Nikka since they are best of friends, pero si Axel sana dedmahin nya na lang yung lalaking yon. Yung tipong isipin nyang hindi siya nag eexist.
Okay na kami ni Aeries eh! Komportable na siya sakin. Isa pa gustong gusto ko na yung ginagawa kong pag aalaga sa kanya at alam kong ganon din si Aeries, tapos eeksena na naman yung gunggong na yun? Nakakagago lang diba?
Selfish na kung selfish pero ang unfair lang kasi! Kung kailan pakiramdam ko malapit na ko sa pangarap ko tsaka naman may biglang susulpot para mapalayo ako ulit, yung tipong mag baback to zero ulit ako. ANg unfair lang diba?
Ipinitik ni Pochollo yung daliri nya sa harap ng mukha ko dahilan para bumalik ako sa ulirat.
" Huuuy! Ano lutang lang dude? "
" Alam naman nating lahat kung ano yung gusto ni Kiann na mangyari diba? Yung hindi na sila magkasundo ni Axel para wala na siyang karibal. " Singit ni Erick na hindi mukhang nagloloko.
" Bakit? Sa tingin mo ba walang laban si Kiann kay Axel? " Tanong ni Pochollo bago uminom ng beer.
Nakaalis na sila Aeries at si Adrian na lang daw ang maghahatid sa kanila since along the way naman daw. Pumayag naman na ako kaya kaming First Five na lang ang naiwan at nagkaayaan namang mag shot ng kaunti.
" Hindi naman dapat ma threatened si Kiann dahil may puhunan naman na siya. Ilang beses nya bang nailigtas si Aeries sa sama ng loob kay Axel? Sino ba nagpasaya sa kanya nung panahong broken siya? At isa pa sa paraan ng pakikitungo ni Aeries kay Kiann ngayon baka nga nahuhulog na rin siya kay Kiann. "
" Pero Drake sa tingin mo ba nung mga panahong yon naglaho na yung nararamdaman niya para kay Axel?... " Nagsalin muna si Erick ng beer sa baso nya bago ulit nagsalita. " For all we know baka nga kaya naaapektuhan siya ng ganon dahil up to now mahal niya pa si Ringless. "
Seriously Erick? Kanino ka ba kakampi?Gusto ko sanang tanungin yon sakanya ng lingunin ko siya.
" Don't get me wrong Kiann huh. Pero alam naman nating lahat na kaya siya sobrang nagalit dun sa dalawa ay hindi lang dahil sa backfighting issue, mahal niya pa si Ringless. Kung wala na eh di sana nag entertain na siya ng mga manliligaw noon pa. " I saw his shoulders shrugged. " At sana ngayon sila na nitong si Kiann kung wala na ngang feelings. "
Nagsalin ako ng beer sa baso ko habang wala pa ring sinasabi.
" Ikaw ba Kiann? Ano bang pakiramdam mo? " Tanong sakin ni Joshua. Nagkibit lang ako ng balikat bilang pagsagot.
Sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong namin. May punto si Erick dahil alam din nilang ako ang nakiusap kay Aeries kaya kami humantong sa ganitong relasyon. At hindi ako pwedeng magdemand ng kapalit.
Pero Damn!
Naiinis akong isiping wala pa rin siyang pagtingin sakin. Ganon ba ko kahirap mahalin? Pero si Aeries, the way she treated me leads me to thinking na baka nga meron na rin kahit kaunti.
Yung pagyakap ko sakanya, yung paghawak ko, whenever I kissed her forehead and nose, yung holding hands namin? Papayag ba siya kung hindi siya komportable? Yung kuryenteng gumagapang sa buong sistema ko pag magkalapit kami, hindi rin ba niya nararamdaman yun? Wala ba akong epekto sa kanya sa tuwing magkakadikit kami? Kasi sakin sobrang laki ng epekto, hirap na hirap akong kontrolin yung sarili ko sa tuwinang magkakalapit kami dahil nirerespeto ko siya. Dahil mahal ko siya. Siya ba wala talaga?
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...