Flashback 1.7.
Days passed and Louisse keeps avoiding me. Everytime na tatawagan ko siya, Irereject niya or iooff niya phone niya, pag-pupunta naman ako sa bahay nila lagi sinasabi wala daw siya kahit alam kong nandun lang siya kasi one time, I saw her looking down from her room window. Nung nakita ko niyang nakita ko siya, mabilis siya nakapagtago. Nahihirapan ako ng ganito, wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero lagi niya ako iniiwasan. Para bang may nakakahawa akong sakit.
Kinuha ko yung remote and turn the tv on. Sakto, pag-bukas ko tungkol kay Louisse yung balita.
Wait, no. Hindi lang tungkol kay Louisse, tungkol din kay Raphael.
Naging mas focus pa ako sa panunuod.
“Louisse Lim, gusto nga bang ligawan ni Raphael Buenavista?” Napa what the fuck ako sa sinabi ng news reporter.
This can’t be, walang pwedeng manligaw kay Louisse. May pinakita din video nilang dalawa na sobrang sweet, parang eto yung sa yatch club. Matagal na ba sila mag-kakilala? Ba’t parang wala naman nakekwento sa’kin si Louisse tungkol dito? Di kaya masyado lang akong focus kay Kia kaya hindi ko na masyado napapansin mga pangyayari sa buhay ni Louisse. Hay. Tangina, I want Louisse but I also want Kia. Ba’t ba ganito kahirap? Hindi ko na matake ‘tong pinapanuod ko kaya inoff ko nalang yung tv. I turned my laptop on naman, just to search up information about fuckin Raphael Buenavista.
While searching, napagalaman kong artista din pala ‘tong si Raphael. Why I didn’t know that? Simple lang, hindi pala nuod ng tv. I also learned that 6 years ang age gap nila ni Louisse. 21 na si Raphael, 15 naman si Louisse. Kami naman ni Louisse, therefore 19 na ako. Nag search din ako ng tungkol sa kanilang dalawa, nitong nakaraan araw madami din palang lumalabas na articles about them. Kahit isa wala akong gustong basahin, mababadtrip lang ako at hindi pwede yun ngayon dahil madami akong dapat tapusin.
My phone vibrated. May text from Kia.
I miss you.
I ignored it, wala ako sa mood para makipaglandian sa kanya. Kailangan ko malaman kung ano ba talaga meron kay Louisse at Warren. Nag-ayos ako kaagad para makapunta kila Louisse. Wala na akong balak tawagan siya kung nasa bahay nga siya, wala din naman ako pakialam kung wala siya dun dahil mag-hihintay ako. I badly need to know what’s going on between them. Sana nga lang hindi totoo na nagpapaligaw siya dun.
**
I didn’t take much time para makarating ako kila Louisse, wala kasing traffic. Buti na lang. Pinaupo muna ako ng maid nila dito sa sala, mukhang wala dito si Mommy (Lola niya.) pati na rin dalawa niyang kapatid and her mom. Siya lang naiwan dito. Five minutes later, bumalik na si Manang Len (Yung maid nila.)
I smiled and said. “Nasan po siya?”
“Kinakatok ko sa kwarto, mukhang natutulog ata or hindi naririnig kasi ang lakas ng sounds galing sa kwarto niya.” Mukhang nag-coconcert nanaman si Louisse ah.
“May susi po kayo ng kwarto niya?”
“Ha?” Mukhang nag-aalangan ibigay ni Manang Len yung susi.
“Wag po kayo mag-aala, ako bahala dun. Hindi yun magagalit, ako pa!” I laughed.
“Oh sige, mukhang importante naman ata yang sasabihin mo kay Louisse.” Tapos binigay na niya sa’kin yung key.
“Salamat po.” Nag-ngitian kami ni Manang at bumalik na din siya sa kitchen.
Nag-madali akong umakyat pataas, pag-dating ko sa pintuan ng kwarto ni Louisse dahan dahan ko ‘tong binuksan. Napailing ako sa sobrang lakas ng sound. Seriously, hindi ba siya nabibingi nito? Oh well, sanay naman siya sa ganyan. Pag pasok ko, hindi pa rin niya napapansin na may nakapasok na pala ng kwarto niya dahil masyado siyang busy sa pag cocomputer, sakto naman nakita ko yung speaker kaya medyo hinaan ko yung sounds. Hindi pa din niya napansin, nakaheadset pala kasi siya. Manhid din ng taong ‘to eh, pano nalang kaya kung magnanakaw na pala nakapasok sa kwarto niya? Tapos hindi pa din niya alam, malamang sa malamang ang dami ng nakuha ditto sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
The Man Who Can't Be Moved. [WILL REVISE - CURRENTLY EDITING]
Fanfiction(Magulo pa ho story neto. Aayusin ko muna! :) ) So quick to believe, I've fallen so deeply inlove and now I'm falling apart.