Chapter Fourty Nine - Present.

5.8K 93 34
                                    



-Kathryn's POV.

Calling; Julia.


Calling; Julia...


Calling; Julia.

Julia, sagutin mo please. 


"Hello?" 

Dug dug dug. Bakit iba tong sumagot? Bakit Lalaki? Teka. Hindi... Si Dj to ha.

Dug dug dug..

Hindi ako makapag-salita. Leshe naman. Bakit si Dj pinasagot ni Julia? 


"Hello? Sino ba to? Sasagot ka ba o hindi?" Ang angas pa rin nito kahit kelan. 

Hindi talaga ako makapagsalita, pero hindi ko maitatanggi kung gano ako kasaya ngayon dahil narinig ko yung boses nya. 


"H--i. Sino ka?" Kunwari hindi ko alam kung sino sya. 


"Ay wait. Babae pala. Kala ko lalake. Pasensya na, akala ko boylet ka ni Julia eh. Haha. Joke lang. Sige. Wait bibigay ko na sa kanya tong phone nya.."

Natatawa ako sa kanya. Baliw talaga un kahit kelan.


"Sige." 


"Wait, mamaya na. Teka lang, babae ka ba talaga?"


"Oo naman. Bakit mo naman nasabing lalaki ako?" 


"Wala, lalaki kasi yung pangalan mo dito sa contact ni Julia. Akala ko tuloy.. Hahaha. Okay, sorry na. Madaldal lang ako. Teka, long distance call to diba?"

Hindi ko matanggal yung ngiti ko sa labi ko. "Yep." Ang tipid ko sumagot sa kanya, naiispeechless kasi ako. Pasensya na. Haha.


"Uhmm, wala pa si Julia eh. Ako muna kausapin mo."

Asdsakdjadolaj. Pano kung ayoko? 


"Tawag na lang ako mamaya." Sabi ko. Kasi naman eh, pakipot pa ako. Haha.


"Wag, wala rin naman akong ginagwa dito. Usap muna tayo. FC ako sayo."

Pero bakit ganun, hindi nya nakilala yung boses ko? Pssh. Kath, pano hindi ka naman talaga importante sa kanya. 

The Man Who Can't Be Moved. [WILL REVISE - CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon