Chapter Fourty Five - Flashback. (Kathryn and Dj's POV)

5.5K 71 14
                                    

Naklimutan ko kung sino yung mga nag papadedicate. Haha. Sorry. XDD

_______________

Mag-iisang bwan na simula nung pangyayari sa Mall. 

Hindi ako pinapansin ni Kath kahit anong gawin kong paraan. Nahihirapan ako, pero alam kong mas nahihirapan sya. Sya kasi yung naiipit eh. Gusto ko man ayusin to, hindi ko naman alam kung paano sisimulan. Wala akong alam sa nakaraan. 

Kung mag-tatanong naman ako...

Tingin ko wala namn akong makukuhang sagot. Mukhang, malalim yung rason kung bakit ganon yung Nanay ni Kathryn.

Paulit-ulit ko man pakiusapan yung nanay ni Kath, wala pa rin. Takwil dito, takwil dun lang ang mararanasan ko.

Takte, bakit kasi ang complicated ng buhay namin..

"Psst, Daniel! Salamat ha!" Sabi sa'kin ni Kenneth.

Tumango lang ako.

Lumabas na lahat ng kaklse ko dito sa room, ako nalang natira. Break time kasi namin e. Ayoko naman lumabas, baka makita ko lang si Kath. Baka kung ano na magawa ko kapag nakita ko sya.. Baka mahalikan ko na.... Haha. Jk lang. Baka lalo akong iwasan nun kapag ginawa ko yun, conservative pa namn yun. Well, slight lang naman. Saka ko nalang gagawin yun, kapag nadala ko na sya sa altar. Diba? Mas okay. 

Kinuha ko yung phone ko..

Ay ay. Ang dami nakamiss sa'kin? Pero okay sana kung may text si Kath eh. Kaso wala.

May isang nagtatangging unknown number na kumuha ng atensyon ko.

Sino naman kaya to? 

Inopen ko yung msg nya.

From: 09*********

Babyyy! HAHA. Eww. Joke. Hey, Daniel. Wassup? Kia Here. :)

Napangiti ako. Ano naman nakain nito ni Ms Cruz at nag-text sa'kin? Baka naka move-on na sya. Hays. Buti pa sya. Hahaha. Jk lang nka move-on na ako ha..

Sinave ko muna yung bagong number nya sa contacts ko. Nilagay kong pangalan nya, "EX" haha. Bitter lang? De ha. Trip ko lang.

To: Ex

Hoy, Baby. Langya, namiss kita ha. HAHA. Jk lang din. Mkaeww to ha, parang hindi ka nahumaling sa'kin dati. Diba diba. :) Anyway, kamusta buhay natin?

Mabilis naman syang nag-reply.

From: Ex

Namiss din kita. Wala na kasi akong naasar. :P Hindi kaya ako nahumaling sa'yo! Haha jk. Sige, dati yun ha. Past is past. Hmm. Okay lang naman ako, eto may bagong buhay pag-ibig na. Ikaw, kamusta kayo ni Kathryn? Ayiee! You know what, kwentuhan mo ako. 

Buti pa tong si Kia, lumalablyp na. Mukhang masaya. Eh ako eto, NGANGA. Okay no? 

May pumasok sa room.

Di ko tiningan, patuloy ko parin nirereplyan si Kia. Ang kulit kasi ee. Pinag-uusapan namin yung past namen. Grabe, nkakatuwa. Hahaha! Kahiya pala yung mga ginagawa kong pagdradrama noon. Buti nalang nag-text sya kahit papano naGV ako.

Napatingin ako dun sa babae..

Paalis na sya ng room.

"Hi Kath.." Oo, si Kath pala yun. Sht. Bakit hindi ko sya pinansin.. Baka isipin nya masaya pa ako. Amp naman oh!

The Man Who Can't Be Moved. [WILL REVISE - CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon