Npkaimba talaga ng school namin, March 10 pa lang last day na ng school. Yung totoo bakit ang aga? Hindi naman sa ayaw kong maaga bakasyon ha, kasi syempre gusto ko lagi may pasok para makita ko si Kath. Oh ayan, umamin na ako. Di ko naman kasi kailangan itago dahil halata naman dba?
May volleyball game din kami ngayon, oo kasali ako sa volleyball team. Hindi naman kasi ako dapat sasali kung hindi sumali yan si Kathryn. Haha. Lagi kong sinisisi si Kath eh no? Sa totoo lang, magaling rin naman ako mag volleyball kaya naisipan ko rin sumali sa team. (Palusot pa ko eh)
Nakita ko si Jeffrey nag-iisa. Himala hindi nya kasama si Kath?
Nilapitan ko nga.
"Yoh, Jeffrey!" Naptingin sya sakin.
"Oh, Daniel?" Ang angas neto ha.
"Ah, wala lang. Di mo ata kasama yung girlfriend mo?" Tanong ko.
"Sino?" Tumawa sya. "Si Kathryn?" Amp. Eh di girlfriend mo nga?
"Sino pa nga ba?"
Tumawa sya. Nakakatwa dre?
"Di ko alam eh." Sagot nya. Girlfriend mo hindi mo alam.
"Oh burn! Kayo ba talaga?"
"Kung ano tingin mo yun kami." Amp, ang angas talaga.
"Pano kung tingin ko mag-kaibigan lang kayo?"
"Eh di yun. Oh, sige pre. Mauna na ako baka hinahanap na ako ni Kath eh."
"Kala ko ba hindi mo alam kung asan sya?"
Tinapik lang nya ako tapos sinuot yung shades nya. Ano yun? Angasan ba gusto nya? Nakakabadtrip yun ha. Paslamat sya, gwapo ako. Kung hindi talaga pinatulan ko na yun. Kala mo kung sino, kayabangan amp.
Tangina, nkakainis talaga. Buti nalang nakapag pigil ako kanina. Yung pananalita kasi eh, kala mo kung sino. Nag-tatanong naman ako ng maayos. Isa nalang, papatulan ko talaga yan. De joke lang, baka magalit sakin si Kath eh. Kaya di ko magawa! Kung hindi lang talaga dahil kay Kath!
"Psst, DJ!" Naptingin ako sa likod ko.
Si Kath kasama nya si Jeffrey na nakaakbay pa sakin.
Tinaasan ko sya ng kilay. Oha~ Di lang sya yung marunong mag taray.
"Bakit?"
"Hinahanap mo daw ako sabi ni Jeffrey."
"Pag tinatanong kung saan, hinahanap kaagad? Saka bakit naman kita hahanapin?"
"Kasi gusto mo ko?" Sabi ni Kath.
Natawa ako. "Wow, self confidence. Taas ng fighting spirit mo."
"Sus, kunwari ka pa. Oh bakit nga?"
"Wala."
"Tara na, Kath. Baka nag-tanong lang naman talaga sya." Sabi ni Jeffrey.
Tapos nag-lakad sila papalayo. Lumingon sakin si Jeffrey, yung ngiting nagmamayabang binigay nya sakin. Inangasan ko tuloy sya. :)) Ano akala nya? Hahaha.
Kinuha ko sa bulsa ko yung ipod ko tapos yung headphone ko sa bag. Makikinig nalang ako sa music para mabawasan tong pag kabv ko. Pinapakinggan ko Only Hope ni Miguel Escueta. Naks, emo lang ako. Hahaha.
BINABASA MO ANG
The Man Who Can't Be Moved. [WILL REVISE - CURRENTLY EDITING]
Fanfic(Magulo pa ho story neto. Aayusin ko muna! :) ) So quick to believe, I've fallen so deeply inlove and now I'm falling apart.