Revised- Chapter 12.

8.8K 97 20
                                    

Flashback. 1.8

I'm waiting for Kia to go online and guess what I've been waiting for 5 fuckin hours. I already called and texted her pero kahit isang reply wala ako natanggap. Gusto ko man sya puntahan kaso wala daw sya sa bahay nila. So here I am, nganga. 

To ease my boredom, I checked Kia's blog. 

"Fck." Sabi ko sa sarili ko while reading the first post. Seryoso? Eto ba kailangan ko kaagad mabasa, hindi ba pwedeng hindi ito? Lalo lang ako nabadtrip sa nabasa ko.

   "Why so busy?

Himala, hindi ako nagtext ngayon. Isa lang naman kasing tao ang hinihintay o inaabangan ko sa inbox eh. O kaya yung laging gusto kong marinig ang boses sa cellphone. Si kras. Sino pa nga ba?

Masaklap lang kasi busy na siya. Di na tulad ng dati na palaging nagp-PM or whatever. Sus, wala namang something e. Tapos aabang-abangan ko pa. Assuming masyado. Kala mo naman..

Heh, kakain na lang ako ng maraming-maraming pagkain. :P "

Akala ko ba naman wala na sa eksena 'tong lalaking to, nandito pa pala. Tangina, badtrip talaga. Hindi ako nasasaktan, nasasaktan yung ego ko. Sobrang pagkabadtrip nararamdaman ko ngayon, kanina pa ako nag-hihintay para sa kanya tapos may iba pala syang hinihintay? Tangina. Ayoko naman sabihin sa kanya tungkol sa nabasa ko, wala naman ako karapatan. After all, wala na kami at nanliligaw nalang ako sa kanya. 

Hindi ko alam kung pagmamahal pa ba to o pagkasanay lang kaya ako ganito kay Kia. 

I switched tab, from Kia's blog to Facebook.

Louisse Lim messaged you.

Medyo nawala pagkabadtrip ko.

Warren!

Louisse.

Where are you?

Bahay.

Punta ko bahay nyo!

Ano kayang nakain nito?

Ha? Ako nalang punta sa bahay nyo.

Sige sige. Ngayon na ah! Ingat!

Louisse Lim is now offline.

Buti nalang nakaligo na ako kanina kaya derecho alis nalang ako ngayon. Ginamit ko 'tong motor ko, nakakatamad mag kotse, mas maganda mag motor kapag badtrip.  Sobrang bilis ko mag-drive, kung iisipin mo parang may hinahabol akong magnanakaw or may nag-hahabol sa'kin na pulis.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw ng isang driver. Dumerecho kaagad kasi ako imbis na siya. 

Tinignan ko lang yung driver at tinawanan. 

Mabilis pa din ako magdrive, kahit naka stop, go pa din. Luckily, hindi ako nahuli.

Dahil nga mabilis ako magpatakbo, mabilis din ako nakarating dito kila Louisse. Natanaw ko kaagad siya sa gate nila. Napangiti ako, knowing na hinihintay at inaabangan niya talaga ako.

We smiled to each other pagkahinto ko sa gate nila.

"Louisse." Sabi ko. Bumaba ako ng motor at tinanggal helmet ko.

"Tagal mo ah!" Lumapit ako sa kanya.

"Matagal ba yun? Kahit nga stop, go pa din ako makarating lang dito."

The Man Who Can't Be Moved. [WILL REVISE - CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon