February 15, 2011.
Andito na ako sa school. Kakasimula pa lang ng klase namin, hindi ko kaklse si Kath ngayon nasa ibang subject sya. Miss ko na sya.May sasabhin din daw sya sakin ngayon araw na to, ano kaya yun? Atat na ko! May sasabhin rin ako sa kanya, syempre yung about samin ni Kia. Okay okay. Pero nag-tataka lang naman ako, bakit kaya ngayon araw pa nyang kailangan sabhin yung sasabhin nya pwede naman nung prom na? Sobra bang importante non? Tungkol kaya saan yon?
Inip na inip na ako dito sa room. Ang boring ng subject eh. Saka hindi talaga ako makapag-focus iniisip ko si Kath.
Iniisip ko rin kung sasabhin ko kay Kath, na kami na ni Kia. Kaso natatakot ako, baka iwasan nya ako. Pero hindi naman sguro no? Friends lang naman kami. Nothing more, nothing less. Kaya dapat siguro hindi ako nag iisip ng ganto.
Nag-taas ako ng kamay.
"Yes, Mr Padilla?"
"May I go out?"
"Sure." Natawa ako sa chura ni Sir. Akala nya sasagot ako dun sa tanong nya. Amp, hindi nga ako nakikinig eh.
Hindi muna ako babalik, mag cut class ako. Intayin ko nalng si Kath dun sa place na pinagkasunduan namin.
Dumaan ako sa room ni Kath. Nakikinig sya sa teacher nya eh. Buti pa sya. Bakit hindi ko kaya sya gayahin? Haha. Gusto ko sna sya tawgin kaso nakkahiya. May hiya pala ako eh no? Oo, meron naman. Hindi naman ganon kakapal mukha ko. :) Mabait naman ako.. Naks, sige maniwala ka. Pag hindi ka naniwala kotongan kita!
Pagktapos ng mahabang paglalakad ko. Sa wakas nakarating na rin ako dito sa tambayan namin ni Diegs at kung saan kami mag-uusap ni Kath.
Parang meeting place na rin namin to ha? Naks naman, tagpuan nmin ni Kath. Pag tinanan ko sya dito rin kami mag-kikita. Hahaha. Joke lang! Hindi ko naman itatanan si Kath, hindi ko pa kaya bumuhay ng pamilya. Naks, pamilya kaagd? Wla pa ngang kami. At malabo sgurong maging kami kasi naman taken na ako.
Hindi ko nga alam eh, ako yung taken na hindi masydong masya. Dpat diba mging masaya ako ng todo todo kasi kami na ni Kia? Alam ko na kung ano ako sa kanya pero hindi eh. Labo ko lang tao, ganto talaga kapag gwapo. Sensya. Haha.
Tingin ko nga mahal ko na si Kath eh. Labo ko talaga no? Mahal ko si Kia tapos mahal ko na rin si Kath? Siguro dalwa puso ko. Ang galing. Tangina, pero ang hirap talaga. Minsan gusto ko nalang umiyak sa sobrang sakit ng nrrmdmn ko. Hindi ko mapakawalan si Kia pero mahal ko na si Kath. Hindi ko na sya gusto, mahal ko na sya. At sigurado na ako doon.
BINABASA MO ANG
The Man Who Can't Be Moved. [WILL REVISE - CURRENTLY EDITING]
Fanfiction(Magulo pa ho story neto. Aayusin ko muna! :) ) So quick to believe, I've fallen so deeply inlove and now I'm falling apart.