Chapter Thirty Three- Flashback. (Jeffrey's POV.)

6.6K 87 37
                                    

Kakatawag lang sakin ni Kathryn. Mukhang may problema sya, lagi nalang ganun yun. Puntahan ko daw sya mamaya sa school, kasi nag enroll sya. Akala ko nga si Daniel kasama nya, malamang siguro si Daniel nanamn yung dahilan kaya nag kaganon si Kath. Mahal kasi ni Kath si Daniel eh. Labo nun eh. Tapos ako? Eto na stuck sa friendzone,  at patuloy na umaasa na mahalin din ni Kath.

Sa totoo nyan, matagal na akong may pag tingin kay Kath eh. Alam nyang crush ko sya pero hindi nya alam mas malalim pa dun yung pag tingin ko sa kanya. Pero siguro nahahalata naman nya. Buti nga close na kami nyan ni Kath, dati kasi hindi. Ang sungit nya. Ang hirap mkipag-kaibigan sa kanya. 

Nung bumalik sya sa Cebu, nag-lakas loob talaga akong kaibiganin sya. Ayun, nag-tagumpay naman. Akala ko nga nun may pag-asa na. Kaso nalaman kong may iba na sya. May iba na syang mahal at si Daniel yun.

Naasar nga ako dyan kay Daniel eh, may girlfriend na tapos nilalandi pa si Kath ng ganon. Well, hindi ko sigurado, malay ko naman kung gusto rin ni Daniel si Kath. Hindi naman mahirap yun, maganda si Kath at mabait. Lahat na ata na sa kanya. Kaya hindi na ako mag-tataka kung gusto nga sya ni Daniel.

Brrt...

Brt....

Brt.......

May nag-text sino naman kaya to?

1 message from Kathryn<3

Ay si Kath! 

From: Kathryn<3

Asan ka na ba? Kanina pa ako nandito oh. Dalian mo kaya. Kahit kelan talaga ang bagal mong kumilos! Para kang si Daniel!

Okay na sana yung text nya, kaso bakit kailangan ikumpara pa ako kay Daniel? Mag-kaiba kami. Mag-kaibang, mag-kaiba.

Nag-madali ako papuntang school.

Hanggang ngayon nag-tataka pa rin talaga ako, bakit hindi mag-kasama si Daniel at Kath ang alam ko kasi talaga, sila yung  sabay mag eenroll. Anyway, okay na yun. Para ako kasama ni Kath. 

Pag kadating ko sa school..

Nag-text ulit si Kath..

From: Kathryn<3

Hoy! Asan ka na ba talaga? Nakakainis, ang tagal. Bahala ka nga dyan, never mind na lang. Wag ka na tumuloy.


Adik talaga neto ni Kath eh, lakas ng mood swing.

Nireplyan ko sya.

To: Kathryn<3

Asan ka ba? Kanina pa ako nandito...

After 30  mins, hindi pa rin sya nag-rereply. Nagalit siguro yun, tagal ko kasi eh! Hahaha.

Halos malilibot ko na ata buong campus, hindi ko pa rin nakikita si Kath. Saan kaya nag susuot yun? Tinataguan siguro ako. Nkakapagod ha.

Nakita ko si Migs. Yung barkada ni Daniel.

"Yo, Quen!" Quen tawag nya sakin. Haha. Jeffrey Quen Gil kasi buo kong pangalan.

Ngumiti ako. "Yo, Migs. Nakita mo ba si Kathryn?"

"Hindi nga eh, si Daniel din hinahanap ko. Dba mag-kasama sila?"

"Mag-kasama sila?" Napakunot noo ko.

"Oo ata. Bakit?"

"Wala wala.."

"Sige sige, mauna na ako Quen. Goodluck sa pag-hahanap." Sabay tapik sakin.

Tumango lang ako.

The Man Who Can't Be Moved. [WILL REVISE - CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon