02

9.8K 181 3
                                    

Mag iisang oras na akong tahimik na naghihintay sa pagdating ni Luc dito sa isang medyo private na restaurant na pinagdalhan sa akin nang Driver nya pero wala pa din ni Anino man lamang nito.

Gustuhin ko man na mag text sa kanya at magtanong kung bakit late na sya o kaya kung dadating pa ba sya ay nagdadalawang isip ako kasi kilala ko si Luc ayaw na ayaw nya sa lahat ang maingay, makulit, at childish kumilos at manalita.

Nagpaka effort pa naman ako na magpaganda nang todo.... naiiling na naisip ko sabay tingin ng repleksiyon ko sa salamin na bintana.

"Hey isn't it my almost cousin in law Lyka?" Lumingon ako sa nagsalita sa likod ko at nakita ko ang pinsan ni Luc na si Percival Pascua or Percy for short.

Agad na tumayo ako at nakipagbeso beso dito.

"What are you doing here Percy?" Nakangiting tanong ko dito.

Ngumisi ito na lalong nagpagwapo dito.

Percy has this happy go lucky charm and kind of sweet na walang babaeng di mafafall....well not include me kasi head over heels ang pagka inlove ko sa pinsan nito na si Lucas Rafael Torres.

And If I may add his supposed to be bride na iniwan sya mismo sa araw nang kasal nila at sumama sa isang DOM papunta sa Australia last year.

After ng nangyari na pag iwan nung bride ni Percy sa kanya ay ramdam ko na tila nagbago na ang huli.
Kung dati he rarely seeing going out and partying kasi nga busy sya sa trabaho nya as orthopedics ngayon ay gabi gabi iba iba ang dina date nya na mga babae at wala man lang syang sineseryoso ni isa.

"I have a date" nakangiting sagot nito sa akin.

"Another Girl again?" Nakangiti ko din na tanong dito.

Ngumisi ulit ito at saka tumango.

"Percy....." napapailing na lamang ako kahit gusto ko pa na magtanong dito.

I know wala na akong karapatan na maging close dito kasi di na katulad nang dati ang sitwasyon ko.

Dati fiance ako nang pinsan nya pero ngayon ay parang lumalabas na mistress ako ni Luc kasi nga may Asawa na ito.

"Ikaw sinung katagpo mo at wala pa kasi kanina ka pa mukhang wallflower dyan eh walang katinag tinag" anito na kinapula nang magkabilang pisngi ko.

"Y----your Cousin Lucas" nakayuko na sagot ko dito.

Nadinig ko na napapalatak ito kaya naman muli ay nag angat ako ng paningin.

"Gusto sana kitang tulungan na gumaling kaya lang mga buto lang nirerepair ko di puso" makahulugan na wika nito sa akin.

Napangiti ako dito nang mapait.

"Wala eh mahal ko talaga ang pinsan mo Percy...ahm paano kaya kung pag itinapon na nya ako saluhin mo na lamang ako?" Nakangiting biro ko dito.

Napahalakhak ito nang malakas hudyat para magtinginan sa gawi namin ang mga mangilan ngilan na kumakain dito.

Ilang saglit pa ay huminto na din ito at saka umiling.

"Nah...I don't want to be a second choice anymore, one thing I realise when Jennifer ran away from our wedding is I'm not suited to be just a side character an option and make other people laugh and be loved that way....I mean I am who I am and now I just enjoying my life to the fullest" nakangiti pero alam ko na seryoso ito sa sinagot sa akin.

"Then I consider myself basted?" Nakangiti din na tanong ko dito.

Sasagot pa sana si Percy nang matigilan ito at napangisi pagkatapos naramdaman ko na lamang ang dalawang malalaking palad na humawak sa magkabilang balikat ko.

Nilingon ko ito at agad na bumaha ang saya sa puso ko nang makita ko ito.

"Luc!"

"You don't need my asshole cousin, I'm already here" anito.

"Yeah...yeah...I'm maybe an asshole but what about you a two timing manwhore?" Nakangisi na sagot ni Percy dito.

Nagtiim ang mga bagang ni Luc at ilang saglit ay nag alala ako na baka suntukin nya ang pinsan nya.

Pero ngumisi din ito at pagkatapos ay nagulat pa ako ng bumaha ang mukha nito at sinakop nang mainit at malambot na mga labi nito ang bibig ko natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumutugon sa kanya at nakaramdam pa ako nang lihim na protesta nang agad din nitong tapusin ang halik na pinagsasaluhan namin.

Kapwa kami hingal na nagkatitigan pero agad na lumingon si Luc kay Percy na maingay na iniinom ang Ice tea na inorder ko kanina.

"What?" Nakangiti na tanong nito kay Luc.

"Di ka pa ba aalis my dear cousin?" Sarkastikong tanong ni Luc dito.

Umiling si Percy at pinaglaruan ang mga cube ice sa tall glass gamit ang straw na hawak.

"Wala pa ang date ko, dito muna ako manwhore" sagot nito.

Kumunot ang noo nito at pagkatapos ay lumingon sa may entrance at pagkaraan ay ngumisi.

"Well maybe that lady in the entrance is your date" ani Luc at pati ako ay curious na pinagmasdan ang tinutukoy nito.

Nakita ko ang isang maganda at sopistikadang dalaga na mukhang may hinahanap at nang dumako ang tingin nito kay Percy ay agad na napangiti at naglakad papalapit sa amin.

Tumayo na din si Percy at ngumiti sa akin.

"Pa'no next time na lang tayo maglandian dumating na ang mga date natin Ciao!" pagpapaalam nito at saka ngumisi naman kay Luc.

"Bye manwhore" anito at saka tumalikod na at naglakad papasalubong sa ka date nito.

Napapangiting napagmasdan ko na lamang si Percy at nahiling na sana mahanap na nya ang babaing magpapaligaya na nang tunay sa kanya.

"Don't stared too much to him I'm started to get jealous" pukaw ni Luc sa akin.

Ngumiti ako dito at saka niyakap ito sa beywang.

"Don't be, please you are the one I love remember that" malambing na sagot ko dito.

Ngumiti ito nang masuyo sa akin at saka ako kinintalan nang halik sa noo ko na naghatid ng kilig sa akin....





Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon