"Hmm....." namimigat ang mga mata na pinilit ko talaga na dumilat kahit gusto ko pa na pumikit.
Dahan dahan na bumangon ako at maang na nilibot ang mga mata ko sa paligid ko.
Nasa isang kuwarto ako na ang dingding ay katulad sa mga kawayan, dalawang malalaking bintana na kulay puti ang kurtina na nakasabit na marahan na tinatangay ng preskong hangin na nanunuot sa ilong ko.
Amoy dagat.
Sukat sa isipin na yun ay tila nagising ang diwa ko at pilit inalala ang mga nangyari kagabi bago ako mawalan ng malay.
Naalala ko na dumating bigla si Luc sa bahay ko at tila galit na sinita ako tungkol sa binabalak ko na pag alis ulit ng bansa.
Niyakap ako nitong bigla at hinalikan ng mariin at ako si dakilang tanga nagpatangay naman at tinugon pa tapos nun ay nawalan na ako ng malay.
"Mabuti naman at nagising ka na Lyka" ani Luc na papasok mula sa pinto bitbit ang tray ng umuusok pa na mga pagkain na tila kaluluto pa lamang.
"L----luc?" nakalapit na ito at nilapag ang tray sa sidetable na nasa gilid ng kama saka naupo sa tabi ko at mabilis na hinalikan ako sa labi ko.
"Kumain ka na muna I cooked breakfast c'mon" anyaya nito.
Nilagay pa nito sa may lap ko ang tray after nyang ayusin ang mga paa nito para di matapon ang mga pagkain sa akin.
"L---luc nasaan tayo? 'San mo ako dinala? Bakit mo ako kinuha Luc?" Sunod sunod na tanong ko dito.
Natigilan ito pero pagkaraan ay ngumiti sa akin at kinuha ang kanang palad ko at kinintalan ng halik.
"Tinatanong pa ba yan? 'Course I don't want you to leave me again Lyka because you are mine" kibit balikat na sagot nito.
Kahit na naiinis ako sa ginawa nito na pagsira sa mga plano ko ay tila may naligaw na nakakakilig na mga pakiramdam.
Pilit na pinahupa ko ang di ko gusto na pakiramdam at matalim ang mga mata na hinarap ko ito.
"Luc please itigil mo na ito di ka pa ba nakukuntento na nasira mo na ang kasal ko di ko pa nakakausap si Jaime hanggang ngayon tapos eto ngayon dinala mo ako sa kung saan nang di ko alam, ano pa bang gusto mo?" pinipilit ko na wag matulo ang mga luha na tanong ko dito.
"I want you back to me" diretsang sagot nito.
Di makapaniwala na umiling iling ako.
"Pwede ba Luc tama na! Kung galit ka kasi iniwan kita basta noon ginawa ko lang ang tama" huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"You confront me that time because I make a scene with your wife....how could you do that? You know me ayaw ko ng gulo and you hit me that time that it hurts like here" sabay turo ko sa tapat ng puso ko. "that is enough para magising ako sa katangahan ko sa iyo....na wala talagang pag asa na maging akin kasi simula pa lamang di mo naman ako minahal di ba?"di ko na napigilan sa pagtulo ang mga luha ko."Look Lyka----"
"Please hear me out first" sansala ko dito.
"Kasi kung minahal mo ako kahit konti di mo ako magagawang pagtaksilan at iwan para sa babae na yun dahil nabuntis mo lang sya nagmakaawa ako sa iyo para lang wag mo akong iwan handa kong tanggapin ang bata...alagaan at ituring na parang sarili kong anak para sa iyo...pero parang kay dali para sa iyo na iwan ako Luc...pagkatapos bumalik ka nga ulit sa akin pero di na katulad ng dati di ka na malaya..." pinunasan ko ang mga luha ko pero agad na kinuha ni Luc ang kamay ko at saka lumapit ang mukha nito sa mukha at gamit ang labi ay tinuyo nito ang mga luha ko."I'm sorry Lyka for everything I know nagkamali ako pero please dumito ka na lang sa tabi ko, I don't want you to leave me again it's hurt like hell nor loving another man except me so forget Jaime and just think about me" pakiusap nito saka malamlam ang mga mata na nakikipagtitigan sa mga mata ko.
Iiwas sana ako ng tingin pero hawak hawak na nang dalawang kamay nito ang mukha ko.
"Please Lyka love me again and I promise you I will never hurt your heart again" pakiusap nito.
"L....luc"di ko alam kung anung isasagot ko kasi may malaking parte ng puso ang masaya pero may parte din na takot nang magtiwala.
Isa pa ay nagsusumigaw ang katotohanan na di na ito malaya na may asawa na ito at mauulit na naman ang nangyari dati....
"Lyka please don't push me away again di ko kaya na wala ka sa piling ko.. The last two years is like hell because you leave me, please Lyka let's start anew here" muling wika nito.
"P---pero..."di ko pa din alam ang isasagot ko dito kaya naman sinamantala nito ang pagkalito ko at mariin na hinalikan ako at natagpuan ko ang sarili ko na tinutugon din ito gaya ng dati....