"How's my wife Doc?" Kinakabahan na tanong ko sa doktor ni Lyka.
Huminga muna ng malalim na nagpakaba pa ng lalo sa akin.
Pagkuwan ay ngumiti ito ng matipid at tinapik tapik ang balikat ko.
"She's fine mabuti at nadala mo agad ang Asawa mo dito sa hospital at naagapan natin na malagay sa peligro ang mag iina mo" sabi pa nito na kinagulat ko.
"Mag iina? K--kambal ba sila?" Nakangiting tumango ito.
Napagkasunduan kasi namin ni Lyka na wag ng magpa ultrasound para surprise ang magiging gender nito tutal alaga naman si Lyka ng OB Gyne nya kaya nasisiguro namin na healthy ito...."Yes Mr. Torres, kambal ang mga anak mo at pareho silang boy ang gender although premature sila dahil nga napaaga ang paglabas nila ay wala naman na problema ang mga anak nyo Mr. Torres pagkat napakahealthy ng mga ito ang kailangan na lamang na obserbahan natin ay si Mrs. Torres pagkat naipit ang mga anak nyo sa sipit sipitan nya idagdag pa na nawalan ng malay ang Asawa nyo ay kinailangan na I ceasarian namin sya but I assured you Mr. Torres na wala na siya sa peligro" paliwanag nito na kinahinga ko ng maluwag.
"Thank you Doc" wika ko at kinamayan ko ito.
"Nasa incubator pa ang mga anak mo Mr. Torres at mananatili sila dun ng mga isang buwan o hanggang masiguro namin na talagang okay na sila at pwede na nyo silang mailabas ng hospital, if you want to see them nasa may nursery lamang sila" dagdag pa nito.
"Thank you again Doc and yes I will see them agad agad" tugon ko at ilang saglit pa ay nagmamadali na akong nagpunta sa may nursery room.
Agad na lumukob sa dibdib ko ang di matatawaran na saya at ligaya kasi sa wakas ay Tatay na ako ng di lang isa kundi dalawa.
"Azrael...." bulong ko habang nakatingin sa nasa kaliwang incubator kung saan natutulog ang anak ko.
"Azsazel....." bulong ko ulit pagkakita ko sa nasa kanang incubator kung saan naman tila naalimpungatan ang isa pa pero muli ay nakatulog ulit ito.
Napapangiting nahaplos ko na lamang ang salamin na bintana at nahiling na sana ay mayakap ko ang mga anak ko.
Gusto ko na silang makarga at maipaghele at pagmasdan ang mga ito at mabistahan kung sino ang mas kamukha nila kung ako ba o si Lyka pero mukhang sa akin sila nagmana nang hitsura at hindi kay Lyka habang napagmamasdan ko sila ng matagal.
Pagkaalala kay Lyka ay nagmamadali na ibinilin ko na lamang sa nurse ang kambal ko at pumunta na agad sa kwarto ni Lyka.
Nang lumapit ako kay Lyka ay maingat na hinawakan ko ang kamay nito na may dextrose at dinala sa mukha ko.
Kanina after ng pagtatalo namin or rather pag away ko dito ay nag walk out ako at balak ko sanang maglakad lakad sa may dalampasigan para sana magpalipas ng sama ng loob ko kay Lyka kasi after all those months na magkasama kami ay iniisip pa rin pala na umalis, lumayo at iwan ako.
At yun ang di ko kaya!
Dalawang taon!
Dalawang taon ko syang hinintay dahil lumayo din sya dati at basta na lamang nya akong iniwan at di ko naman sya masisisi pagkat sa akin ang pagkakamali, nagalit at nasaktan ko sya dahil kay Gwen at dahil dun iniwan nya ako ng walang paalam.
Hinintay ko ang araw ng pagbabalik nya,
Umaasa na napatawad na nya ako pero nalaman ko na ikakasal pala sya sa lalaki na yun kaya sya nauwi ng bansa at pag natapos ang kasal ay aalis din sya at dun na sila tuluyan na maninirahan at yun ang di ko mapapayagan na mangyari,Ang muli ay mawala sya sa akin.
Pinakawalan ko na sya nun una gawa ng pagkakamali pagkalito at katangahan ko,
Nawala din sya sa akin sa pangalawang pagkakataon gawa ng katarantaduhan ko,
Kaya naman...
Kaya naman sa pangatlong pagkakataon ay ginawa ko na ang lahat para magkasira silang dalawa ng lalaki na yun at para muli syang bumalik sa akin......
Akala ko okay na ang lahat,
Na magiging masaya na kami ulit gaya ng dati lalo't naayos ko na ang lahat para wala nang humadlang pa sa aming dalawa.
Kaya naman napakasakit na malaman ko na iniisip pa din pala ni Lyka na iwan ako at dalhin ang mga anak namin, na kakayanin ni Lyka na malayo ako sa kanila.
Pero nang marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko ay agad akong bumalik at halos mawalan pa ang mga binti nang panimbang pagkakita sa nakahandusay na si Lyka at may dugo na umaagos sa mga binti nito.
Agad na binuhat ko ito at isinakay sa sasakyan ko at halos paliparin ko ito makarating lamang ng hospital.
"Lyka...." bulong ko at hinagkan ang namumutlang labi nito at sa isip ko ay naalala ko kung papaano ba kami nagkakilala at nagkaroon ng relasyon........