"Sweetheart...." ani Luc at hinagkan ako sa pisngi ko.
Nasa may nursery room kaming dalawa kasi okay na ang kambal at hinihintay na lamang namin ni Luc ang pag apruba ng doktor ng mga baby para mailabas na namin ang mga ito at maiuwi na.
Ako nga rin dapat two weeks ago pa dapat lumabas ako dito sa hospital pero ayaw ni Luc kasi daw ayaw nyang i risk ang kalagayan ko kahit na inassured na sya ng doktor na okay na ako.
Hangga't hindi daw naghihilom ang tahi ko ay hindi daw sya papayag na lumabas ako kahit na tumutol nga ako dahil magastos at naka incubator pa ang kambal namin pero ayaw talaga ni Luc at sinabi pa nito na para saan pa at marami syang pera kung hindi naman daw nya ito magagamit para sa amin na pamilya nya....
Kaya wala na akong nagawa at hindi na ako nakipagtalo pa kay Luc.
Nilingon ko si Luc, ngumiti ito at niyakap ako.
"Ang sabi ni Doktora pwede na daw natin ilabas sina Rael at Azel" sabi nito.
Napuno ng pananabik ang dibdib ko sa sinabi nito.
"Talaga?" Nakangiting tumango ito at mas humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.
"Yes Sweetheart..."
"Thank God....excited na akong maalagaan silang dalawa"
"I feel the same way Sweetheart....nasasabik na din ako na maiuwi sila" anito.
Nangingiting sumandig ako sa malapad na dibdib nito habang nakatingin pa din sa kambal na mahimbing na mahimbing na natutulog, nangingiti pa ang dalawa na marahil ay nilalaro ng mga guardian angel nito sa mga panaginip nila....
_______________
"Manang naayos mo na ba yung nursery room nina Azel at Rael?" Sabik na tanong ko kay Manang Lita pagkababang baba ko ng Van at karga karga sa magkabilang braso ko ang kambal namin ni Lyka.
"Opo Ser Lucas, naku eto na po ba ang mga anak nyo? aba'y ke gagwapo po manang mana sa inyo Ser!" Nangingiting puri ni Manang Lita sa mga sanggol.
Lumaki naman ang dibdib ko sa mga papuri ni Manang at pakiramdam ko mas tumangos ang matangos ko nang ilong.
"Of course Manang kanino pa ba magmamana ang mga anak ko kundi sa Tatay nila?" Pagmamalaki ko bagay na tinawanan naman nina Manang Lita at ng Driver namin at pati na rin ni Lyka.
Napanguso ako at talagang sumama ang loob ko na sinamaan ng tingin si Lyka.
"Totoo naman ah! Ang Gwapo ko, macho pa, ang gwagwapito ng mga anak ko kaya sa akin sila magmamana paglaki nila!" giit ko.
Napapailing na natatawa na lamang si Lyka na dahan dahan na lumalakad at maingat na inaalalayan ng nurse na kinuha ko para alagaan silang mag iina ko.
"Opo sa iyo na nagmana yang mga anak mo" natatawang sang ayon ni Lyka at kinuha nito si Azel sa akin.
"Hay naku Azel yang Daddy mo oo!" Ani Lyka kay Azel na bahagya lang nag inat at muling pumikit na.
"Kala mo s'ya lang ang gumawa sa inyo ni Rael eh samantalang yun mga mata nyo minana nyo sa akin" nairap na wika nito.Napangisi naman ako at lumapit dito at pagkaraan ay binulungan ito.
"Gusto mo ba gawin na natin si Baby Azenith? Malay mo baka ikaw na ang makamukha ng next baby natin" Pilyong bulong ko na kinapula nang mukha ni Lyka.
Isang pinong kurot ang isinagot nito bagay na tinawanan ko lamang.....
_____________________
"Naku Mam Lyka buti't madali sa inyo ni Ser Lucas na makilala ang kambal" puri ni Manang Lita.
Kasalukuyan na nasa kusina at hinahanda ang meryenda namin.
Habang si Luc, ayun nakatulog na yakap yakap sina Rael at Azel sa duyan sa may veranda.
Hindi naman ako nag aalala na baka madaganan ni Luc ang kambal kasi pinasadya talaga nito ang duyan para sa kambal at siempre sa kanya na din.
Napangiti naman ako.
"Opo naman Manang Lita, si Rael po kasi may nunal sa likod ng kaliwang tenga nya habang si Azel ay balat naman ang mayroon sa kaliwa din nitong tenga" sagot ko dito.
Nagpatango tango naman ito.
"Saka Manang ewan ko ba pero madali lamang para sa akin at ni Luc makilala kung sino si Rael at si Azel kahit pa hindi namin makita yun balat at nunal nila" dagdag ko pa.
"Ay marahil malamang ang nagana sa inyo ni Ser ay father at mother instict kaya madali sa inyo makilala ang kambal" sabi nito.
"Siguro nga po Manang" pagsang ayon ko dito.
Malapit nang maluto ang arroz caldo ng makarinig kami ng nag doorbell.
"Ako na Manang Lita pakitignan na lamang ang niluluto natin" nakangiting sabi ko.
"Ay sige ako nang bahala dine" sagot nito at agad na tumayo na ako sa stool at naglakad papalabas ng kusina.
"Wait lang po nandyan na!" sigaw ko habang papalapit sa may pinto.
"Ano po ang kail----" napasinghap ako ng makilala ang taong nasa harapan ko ngayon.
"Lyka?!"
"Tita Charlene!" Magkapanabay na bulalas naming dalawa....